BALLET PHILIPPINES MAGTATANGHAL SA MINDANAO-VISAYAS

BALLET PHILIPPINES

Sa pagdiriwang ng tatlong mga karangalan, ang ika-50 taong anibersaryo ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at Ballet Philippines (BP) at sa ika-40 taon ng CCP Outreach programs, ang CCP sa pamamagitan ng Cultural Exchange Department (CED) ay magsasagawa ng pagtatanghal ng BP na gaganapin sa mga piling komunidad sa Mindanao-Visayas na sinimulan noong Hunyo 28 at magtatapos sa Hulyo 10, 2019.

Ang BP ay ang premyadong ballet company sa bansa ay nagdiriwang ng kanilang 50 taong sining at husay. Ang ika-50 anibersaryo ng Outreach Tour ay nasa pangangalaga ng Lakbay Sining Program ng CCP CED at ito ay nasa operasyon sa pakikiisa ng CCP Kaisa sa Sining (KSS) Regional Arts Centers at suportado rin ito ng National Commission for Culture and the Arts.

Ang naturang outreach programs ay patuloy na magtatanghal ngayong Hulyo 5 sa ganap na alas-8:00 ng gabi sa Luce Auditorium, Silliman University sa Dumaguete City, at sa Hulyo 9 sa ganap na alas-3:00 ng hapon at alas-7:00 ng gabi sa University of St. La Salle Coliseum sa Bacolod City.

Maliban sa mga pagtatanghal, ang BP, sa pangunguna ni Associate Director Ronelson Yadao, ay magkakaroon din ng workshops at lecture demos sa mga lungsod ng General Santos City, Tagum, Dumaguete at Bacolod. Magkakaroon din ng live feed ng matinee shows para sa mga piling public school o underserved na local community sa naturang mga lugar.

Ang ika-50 taong anibersaryo ng Outreach Tour ay co-presented/organized ng Ramon Magsaysay Memorial College ng Generall Santos at Marbel, Musikahan sa Tagum Foundation, Siliman University Culture and Arts Council-Dumaguete City, Negros Cultural Foundation, Negros Museum at University of St. La Salle Bacolod City.

Sa detalye, tumawag sa CCP Cultural Exchange Department sa telefax no. 832-3674 at 832-1125 locals 1708-1709.

103

Related posts

Leave a Comment