Nakahihiyang magkaroon ng tuyot o nanunuyot na balat.
Sayang din ang kutis kung wala namang sugat o peklat ngunit ang problema lang ay ang pagka-dry nito.
Para maiwasang maging dry ang balat, sundin ang mga sumusunod na tips na ito:
Sa shower room…
– Kapag maliligo o magsha-shower, isarado ang pinto. Ito ay upang maging limitado rin ang temperaturang papasok sa loob ng banyo.
– Iwasang magbabad sa loob ng banyo. Sapat na ang 5 hanggang 10 minuto sa paliligo.
– Gumamit lamang ng gentle at fragrance-free cleanser sa paglilinis ng katawan.
– Maglagay lamang ng sapat na dami ng cleanser para matanggal ang dumi at excess oil. Iwasang gumamit ng thick lather.
– Idampi lamang ang towel matapos maglinis ng katawan. Huwag ikuskos ang towel against sa skin upang hindi maapektuhan ito.
– Matapos na mapunasan ang balat ay agad na maglagay ng moisturizer na akma sa dry skin.
Matapos mag-shower…
– Ang ointments, creams at lotions (moisturizers) ay nakatutulong upang ma-trap ang existing moisture sa balat. Para ma-trap ang much-needed moisture, kailangang mag-apply ng moisturizer within few minutes of:
o Drying off after a shower or bath
o Washing your face or hands
Pumili ng tamang product…
Gumamit ng ointment o cream sa halip na lotion.
Ang ointments at creams ay mas effective at less irritating kumpara sa lotions. Hanapin lamang ang cream o ointment na mayroong oil tulad ng olive oil or jojoba oil. Maigi ring gumamit ng shea butter dahil epektibo rin ito sa balat para maiwasan ang pagka-dry nito.
Ang ibang ingredients na makatutulong para maibsan ang dry skin ay katulad ng lactic acid, urea, hyaluronic acid, dimethicone, glycerin, lanolin, mineral oil, at petrolatum.
Gumamit ng lip balm…
Pumili ng lip balm na alam mong hiyang sa iyong mga labi. Ang ilang healing lip balms ay nakaiirita ng mga labi na maaaring mauwi sa pangangati nito o ang mas malala ay magsugat ito.
Kung sa paglagay ng lip balm ay nakaramdam agad ng pagkahapdi o parang may negatibong pakiramdam pa ay agad na itong palitan.
Gumamit lamang ng gentle, unscented skin care products…
Ang ibang skin care products ay too harsh para sa nunuyo at sensitive skin. Kapag dry ang ating balat, ihinto ang paggamit ng:
o Deodorant soaps
o Skin care products na mayroong ingredients tulad ng alcohol, fragrance, retinoids, o alpha-hydroxy acid (AHA)
Ang pag-iwas sa mga produktong ito ay makatutulong sa skin para ma-retain nito ang natural oils.
Gumamit ng gloves…
Sa ating mga kamay unang nakikita ang pagka-dry ng skin.
Ang pagkatuyong ito ay pwedeng mabawasan ang dry, raw skin sa pagsuot ng gloves. Huwag nating balewalain ang ating mga kamay dahil kapag dry ito o kulang sa alaga ay una itong magmumukhang matanda.
Ugaliing magsuot ng gloves bago gawin ang sumusunod na mga aktibidad:
o Kapag malamig ang panahon o tuwing lalabas ng bahay. Mittens naman ang gamitin kung lalabas at hindi gagawa ng anumang household chores.
o Paggagawa ng gawaing bahay na nangangailangang basain ang mga kamay
o Kung gagamit ng chemicals, greases, at iba pang substances na maaaring mapunta nang direkta sa kamay.
553