CREMATION: PAANO SINUSUNOG ANG BANGKAY?

CREMATION

Tradisyon na natin sa tuwing ipi­nagdiriwang ang Araw ng mga Patay ay mayroon tayong katatakutan, kuwentong kababalag­han o kahit pa kathang-isip lamang.

Pero ang sasabihin natin sa pahinang ito ay katotohanan at hindi naman talaga nakakatakot pero naroon na mapapaisip ka rin.

Tutok tayo sa cremation.

PAGSUSUNOG SA BANGKAY

Ang cremation o ang pagsunog sa bangkay ng isang tao sa mataas na temperatura – ito ay mula sa init na 1,400 hanggang 1800 degrees Fahrenheit. Ang sobrang init ay kailangan upang ma-reduce ang katawan sa basic elements nito at matuyo ang bone fragments.

Sa retort o cremation chamber nangyayari ang naturang proseso.

Kailangan munang mapainit nang husto ang loob ng chamber bago ilagay rito ang bangkay. Kailangan ding mailagay agad ang bangkay sa loob sa pamamagitan ng mechanized door upang maiwasang mawala ang init.

Sa pagsusunog sa katawan ng taong patay na, nakalantad ito sa column ng apoy na produced at fueled by natural gas, oils, propane at iba pa.

MGA BAWAL SA CREMATION

Habang ang bangkay ay nasa casket o lagayan (na yari sa combustible material), nasusunog ito nang unti-unti.

Sa bangkay, bago ilagay ito sa casket ay dapat matanggal ang anumang dental work, dental gold, surgical screws, prosthesis, implants o anuman. Tinatanggal ito sa pamamagitan ng strong magnets o forceps matapos ang manual inspection.

Iminumungkahi rin na dapat walang nakasuot na alahas sa bangkay tulad ng relo, singsing, hikaw, bracelets, kwintas, at iba pang uri nito.

Samantala, dapat din, sa simula pa lamang ay walang kahit anong metal objects ang casket. Dapat walang screws, nails, hinges at iba pang parte ng casket na may metal.

Ang mga bagay na ito at iba pang mechanical devices ay tinatanggal upang hindi sumabog o makasira sa equipment ng pagsunog sa bangkay.

Kapag ang bangkay ay nasa column of flames na, sunod nito ay matutuyot ang mga buto, balat, buhok, kasama na ang laman, ganoon din ang tissues. Ang sobrang init nito ang dudurog din sa bangkay. Ang usok naman na nagmumula sa chamber ay lulusot sa exhaust system.

Kadalasang walang amoy ang pagsusunog ng bangkay dahil ang emissions nito ay naka-process upang pati ang usok nito ay masira at matuyo ang gases na pwedeng mangamoy.

May ibang crematories na may secondary afterburner pa upang hustung-husto ang pagkasunog sa bangkay.

Kapag ang buto ay tuyung-tuyo na, dapat masigurong ito ay parang buhangin na sa pagka-pulbos. Ang machine na ginagamit sa pulverization ay cremulator.

Karaniwang naki-cremate ang bangkay sa loob ng isa hanggang tatlong oras at ang bangkay ay nare-reduce ng 3-7 pounds of cremains. Ang cremation remains ay kadalasang kulay puti.

Ang mga labi ay isasalin sa isang cremation urn at saka ibibigay sa pamilya o kaanak nito. Kapag walang available urn ang pamilya, ilalagay muna ang remains sa isang plastic box o default container.

853

Related posts

Leave a Comment