Flavo Rosa at LBC: Samahang Tungo sa Patuloy na Tagumpay

30 NOV 2023: Manila, Philippines: Ang mga negosyo na ang puhunan ay creativity at craftsmanship ay hindi madali. Kailangang mabalanse ang dalawang aspetong ito ng negosyo: una: ang passion at artistry na syang nagbibigay buhay sa mga produkto; at, ikalawa: ang kumplikadong aspeto ng logistics na mahalaga para mapatakbo ng maayos ang isang negosyo.

Bagama’t maraming businesses ang tumutuon lang sa isang aspeto, napagsabay ang dalawang aspetong ito ng Flavo Rosa, isang brand na kilala sa tradisyunal at de kalidad na Barong Tagalog. Sa tulong ng LBC Express, Inc. napapanatili ng Flavo Rosa ang artistic passion nila habang napapaandar nang maayos ang kanilang operasyon.

Ang Pagbuhay sa Isang Tradisyon

Ang lahat ay nagsimula sa pangarap ni Mrs. Mercedita Antenor Paraiso kung saan naging inspirasyon niya ang hand embroidery at barong crafting ng Lumban, Quezon para maisakatuparan ang Flavo Rosa.

Sa layunin niyang mapreserba ang kalidad at disenyo ng Lumban Barongs, sinimulan niyang tahakin ang kanyang pangarap mula mismo kanyang sariling tahanan. Sa simula, nag-outsource lang siya ng mga materyales mula sa mga kilalang negosyante; idinisplay ang mga ito sa isang glass stand sa kanyang bahay; at, inalok sa mga kaibigan. Kalaunan, unti-unting nagkaroon siya ng kaalaman ukol sa negosyo; nakipagtulungan sa mga bihasang bordadoras ng Lumban; at, nagsimulang gumawa ng kanyang sariling mga materyales. Sa paglipas ng panahon, napatunayan na napakahalaga ang konsepto ng partnerships upang yumabong ang kanyang negosyo. Kasama ang mga bordaderos ng Lumban, Laguna na kanyang tinuturing na “business angels,” naipakilala niya muli sa buong mundo ang traditional at classic barong designs.

Ang Pagpasok sa Digital Landscape

Tulad ng karamihan sa mga negosyo, ang Flavo Rosa ay tinamaan din nung kapanahunan ng COVID. Ang kanilang normal na operasyon, lalu na yung tradisyunal na paraan ng pagbebenta, ay sadyang naapektuhan. Ngunit sa halip na mawalan ng pag-asa, buong loob na tinanggap ng Flavo Rosa ang hamon at kanilang binago at inakma ang kanilang operasyon ayon sa tawag ng panahon.

Dahil sa pagbulusok ng e-commerce, sinimulan ng Flavo Rosa na mag-expand online. Ang pagbabagong ito ay naging daan para maging mas accessible sa lahat ang kanilang mga produkto at maipakilala ang kanilang mga barong sa bago at mas malawak na merkado. Ang kanilang digital presence ay nagmistulang virtual showcase ng kanilang mga obra para sa mga kustomer na nais na lamang mag-shopping online.

Naging matagumpay ang hakbang na ito para sa Flavo Rosa. Bagama’t maraming pangambang idinulot ang COVID, naging malaki ang demand para sa kanilang mga barong. Karamihan dito ay mula sa mga magkasintahan na bagamat naapektuhan ang wedding plans ng COVID, ay nag-incorporate pa din ng tradisyonal na Filipino elements sa kanilang kasal. Sa pamamagitan ng kanilang online platform, natugunan ng Flavo Rosa ang mga nais ng kanilang customer at napanatili ang kabuhayan ng kanilang mga bordadoras sa gitna ng pandemya.

LBC: Ang Partner sa Pag-Unlad ng Flavo Rosa

Katuwang ng kanilang pagpasok sa e-commerce, naghanap din ang Flavo Rosa ng pinakaepektibong logistics partner para maihatid nang maayos ang kanilang mga barong na gawa pa naman sa mga delicate na materyales. Hindi ito maituturing na regular delivery dahil labis na pag-iingat ang kinakailangan para maibiyahe ang mga damit hindi lang sa ibang lungsod at siyudad kundi pati sa ibang bansa.

Ang suliraning ito ng Flavo Rosa ay natugunan ng isang courier na hindi lang bihasa kundi maaaring mapagkatiwalaan para sa napakaselan na kargamento. At ito’y walang iba kundi ang LBC..

Ang mahigpit na pamantayan ng LBC sa dekalidad na serbisyo ay nangangahulugan na bawat barong na kanilang ineempake at inihahatid ay kanilang lubos na inaalagaan. Isa lang ang kanilang layunin: ang masigurado na kapag natanggap ng customer ang kanilang order, ito ay nasa maayos na kondisyon at inaanino nito ang barong na nakita at napusuan nila sa Flavo Rosa website.

Ngunit ang dekalidad na serbisyo ng LBC ay hindi lang nakatuon sa routine deliveries. Isang insidente kung saan ipinamalas ng LBC ang kanilang dedikasyon sa serbisyo ay nang ginawa ng LBC ang lahat ng kanilang makakaya maihatid lang sa isang lalaking customer ang kanyang barong isang araw bago humarap sa dambana.

Pantay na Pagtuon sa Creativity at Efficiency

Ang tagumpay ng Flavo Rosa ay isang magandang halimbawa kung paano napapangalagaan ng isang negosyo ang kanilang traditional values habang sumasabay sa mga pagbabago na dulot ng modernisasyon. Bagama’t patuloy nilang ginagawa ang mga obra nilang barong sa tradisyunal na paraan, kinilala din ng Flavo Rosa ang importansya ng digital age sa pamamagitan ng pagbebenta online. Sa ibinigay nilang pagtitiwala sa LBC para sa kanilang mga logistical needs, mas napagtutuunan ng Flavo Rosa ang paggawa pa ng mga world-class na barong na kinikilala hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Alamin ang buong kwento ng samahan at pagtutulungan ng LBC at Flavo Rosa: tunguhan ang https://www.lbcexpress.com/article/Continuing-Tradition-With-Flavorosa-And-LBC

353

Related posts

Leave a Comment