HARASSMENT KAY GOVERNOR AT LEGAZPI MAYOR ROSAL, INALMAHAN

INALMAHAN ng mag asawang sina Albay Governor Noel Rosal at Legazpi City Mayor Geraldine Rosal ang patuloy umanong pangigipit sa kanila ng kalaban nito sa pulitika at itinanggi ang alegasyon ng Commission on Elections na nagkaroon ng vote buying kaya ito nanalo sa nakaraang halalan.

Iginiit ng dalawa na matapos matalo sa recount ang kanilang kalaban sa pulitika  na si former Congressman Alfredo  “Pido” Garbin ay ginamit nito ang kanyang impluwesya at  nagdesisyon ang Comelec na ito ang ideklarang nanalo sa eleksyon.

Ayon kay Mayor Rosal, wala umanong ebidensya na silay namili ng boto na siyang nauna nang nadismiss sa second division ngunit ito anila ay binuhay at silay muling ginipit sa maruming pulitika.

Panawagan ng dalawa kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang agarang pansin upang hindi na lumala at hindi magaya sa madugong nangyari sa pagkamatay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo

(RUDY SIM)

199

Related posts

Leave a Comment