Malapistang ipinagdiwang ng mga residente 2023 NAT’L WOMEN’S MONTH NG PASAY CITY

Masayang pinangunahan ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang pagdiriwang ng siyudad ng 2023 National Women’s Month  na nagsimula noong Marso 1 hanggang 31, 2023.

Batay sa calendar of events ng Pasay City ang kanilang selebrasyon ay nagsimula noong Marso 1 sa We Just Juana Thank You!; Harana kay Juana noong Marso 8; Indak/Zumba ni Juana, Marso 1; Kaka-EBA, Magaling at Mahusay, Marso 14; Lecture on Stress & Mental Health, Marso 31; Juana Ride, Libreng Sakay sa Kababaihan, Marso 6 hanggang 31; Juana Funride, Women’s Month Motorcade, Marso 8; Libreng Libreng Lab Test, Free Ultrasound, Xray, ECG, Marso 11; Kalipi Seminar on VAWC, Marso 22;  Emi’s Pansit with A Trust, Cook-off Showdown & Food Fair, Marso 31; Pink Lane/Special Lane, Marso 1 hanggang 31; Tree CTCs Para Kay Juana, Marso 8; Kusina ni Mayor Emi, Marso 11; Tindahan/Bazaar ni Nanay Emi, Marso 13 hanggang 15; Trabaho/Kabuhayan para kay Juana, Marso 30 at 31; Juana be Healthy, Women’s Health Awareness and Prevention with Cervical Cancer Screening, Marso 16, 17, 30 at 31.

Kabilang sa mga nakiisa sa nasabing selebrasyon ay sina Congressman Tony Calixto; Vice Mayor Waldetrudes “Ding” Del Rosario, mga konsehal, department heads ng Local Goverment Unit ng nabanggit na siyudad.

Sa pananalita ni Mayor Rubiano, pinasalamatan niya sina Vice Mayor Waldetrudes “Ding” Del Rosario, mga konsehal, staff, media, mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), pulisya, sex bomb dancers sa pamumuno ni Miss Joy Cancio, department heads, at mga katuwang sa paglilingkod sa gobyern0.

“Nagsicelebrate ang mga kababaihan na tapat kong pinaglilingkuran, Happy Women’s Month, maraming salamat sa pakiki-celebrate sa buwan ng mga kababaihan,” ani Mayor Rubiano sa mga nakiisa sa okasyon.

Binanggit din ng alkalde ang libreng sakay, birth certificate, libreng paggupit, legal na payo, lalo na ang mga inaaping kababaihan.

Kasabay nito, inihayag ni Mayor Rubiano na niya papayagan na may maaaping kababaihan sa kanilang siyudad.

Sinabi rin niya na magsaya ang lahat ng mga kababaihan na nakiisa sa selebrasyon lalo sa kanilang Zumba contest na isinagawa na may papremyo mula 5k, 10k, 15k  hanggang 20k.

Sa kanyang pananalita sinabi rin niya hindi maaaring balewalain ang mga anak, at mga asawa dahil katuwang yan ng mga kababaihan sa pagbuo ng pamilya.

Idinagdag pa niya na kailangang maging pantay-pantay ang mga kababaihan ang kalalakihan.

Ang National Women’s Month ay taon-taon ipinagdiriwang ng ibat-ibang ahensiya ng gobyerno na nagsisimula ng Marso 1 hanggang 31.

Sa panahon na ito ang mga tanggapan ng gobyerno ay nagkakaroon ng ibat-ibang patimpalak para kilalanin ang mga naiaambag ng mga kababaihan sa pagpapatakbo ng mga opisina ng gobyerno at malaking papel nila sa lipunan.(Joel O. Amongo)

419

Related posts

Leave a Comment