Ang nunal ay may medical term na melanocytic nevus.
Ang melanocytic nevus (nevi kung plural) ay binubuo ng masses of melanocytes, ang pigment producing cells ng ating balat. Gayunman ayon sa pag-aaral, may iba’t ibang klase ng skin lesion (sugat) na kahawig ng nunal. Kabilang dito ang seborrheic keratoses, skin tags, dermatofibromas, lentigines, at freckles o pekas.
BAKIT NAGKAKAROON NG MGA NUNAL?
Alam ninyo ba na sa unang 12 linggo ng pagbubuntis, habang nade-develop ang fetus ay nagkakaroon ng melanocytes – ito ang skin cells na nagpo-produce ng ordinary skin color. Pero, ang mga ito ay hindi palaging pantay na kumakalat: randomly, ang mga lugar ay makakakuha ng kumpol o grupo sa panahon na buhay ang isang tao, habang ang ibang kumpol nito ay maaaring tumubo bilang nunal.
Ang pagkakaroon ng nunal ay matatawag na skin discoloration o inilalarawang skin imperfections. Pero sa iba ang tawag nila rito ay ‘beauty mark’.
Iba’t iba ang size ng mga nunal at ang mga uri nito ay maaaring raised (nakaangat) o flat lamang, smooth o may buhok.
Mas pangkaraniwang ang nunal sa mga mapuputing tao, mestiza o Caucasians.
Mga kulay ng mga nunal
-brown
-reddish brown
-red
-purple
-pink
-skin-colored
-flesh
-black
-tan
May mga nunal na ang kulay ay nag-iiba o mas nagiging dark o evident dahil sa sun exposure o pagbubuntis.
ILANG MGA NUNAL MAYROON ANG ISANG TAO?
Ang nunal ay ibang-iba sa pekas. Halos lahat sa atin ay may 30 hanggang 60 nunal sa buong katawan. Samantalang ang pagkakaroon ng pekas ay dahil sa lahi – lalo na ang mga may red hair. Ang pekas ay nangangailangan ng araw para ma-trigger ang mga ito habang ang mga nunal ay kusang nalabas.
Ang mga nunal ay maaaring lumabas sa iba’t ibang parte ng ating katawan. Kabilang dito ang anit, tainga, talukap ng mga mata, mga labi, palad, talampakan, sa private parts, at anal area.
DAPAT BANG MANGAMBA KAPAG NAG-IBA ANG ITSURA NG NUNAL?
Marami ang nagtataka o sa mas ibang sitwasyon ay nangangamba kapag naiiba ang kanilang mga nunal. Hindi pangkaraniwan na magbago ang nunal kalaunan.
Ang pagbilad sa araw at ang hormones ay maaaring maging sanhi ng pangingitim ng nunal, pag-angat nito o pagiging flat nitong muli, o tumatagal ay nagiging maputla o maputi ito.
Kapag ang pagbabago ay naganap nang mabilisan dapat na itong ipatingin sa doktor. Kaya mahalagang ikaw muna ang makasuri sa itsura at pagbabago ng iyong nunal. Ang pagbabago na ito ay maaaring mula sa hugis, pag-develop ng fuzzy edges o pagkakaroon ng buhok, lumalaki o madaling magdugo.
ANO ANG ITSURA NG CANCEROUS NA NUNAL?
Kadalasan, ang nunal ay may dalawa lamang kulay, kumpara sa cancerous mole – melanoma – ay maaaring hindi pantay ang pagkakahalo ng light brown, dark brown, black, red, o pink. Ang ragged edges ng nunal, ang sobrang pagkalaki nito at pagdurugo, pangangati, pamamaga, matigas o malutong ay nangangailangan ng pagbisita sa general practitioner.
Kung sinusuri mo ang iyong nunal tuwing makailang buwan, dapat nakikita mo ang pagkakaiba rito at masasabi mong dapat nang isangguni sa doktor. Pero kahit pa naroon ang instinct natin na dapat nang lumapit sa doktor ay hindi naman dapat agad na tayo ay mag-alala.
Ang atypical moles ay maaring makaapekto sa 10 porsyento ng populasyon ng mundo. Pero tanging isa lamang sa 10,000 katao ang may melanoma. Pero siyempre, iba pa rin na nasa safe side ka, dahil ang melanoma ay life-threatening.
BAKIT DELIKADO ANG MELANOMA?
Ang melanoma ay pinakaagresibong uri ng skin cancer. Maaari itong kumalat sa ibang parte o organ ng katawan.
Sa England at Wales, 90 porsyento ng mga tao rito na ginamot para sa melanoma ay maaaring mabuhay pa ng 10 taon matapos silang ma-diagnose. Pero kahit magandang tingnan ito as overall outlook, depende pa rin ito sa stage ng cancer na inabot kapag nasuri, at samakatuwid kung mayroon itong oras na kumalat.
Mas common naman ang non-melanoma skin canceris, pero ito ay bihirang kumalat. Kadalasan ito ay matigas at mapulang bukol, o flat pero makaliskis o may scaly patch na hindi gumagaling sa loob ng ilang linggo.
ANONG MANGYAYARI KUNG MAY CONCERNS ANG DOKTOR SA NUNAL?
Dapat kang i-refer ng doktor na ito sa isang skin specialist sa loob ng ilang linggo, na siyang mag-eeksamin sa iyong nunal, at masuri pa ang ilang bahagi ng iyong balat para sa iba pang mga nunal. Kung ipinapalagay niyang mayroon kang melanoma, magsasagawa ito ng tinatawag na excision biopsy, ibig sabihin tatanggalin nila ang buong nunal at ang 2mm margin sa paligid nito. Sunod nito ay susuriin ito kung ito ba ay malignant (cancerous). Ang minor surgery na ito ay ginagawa sa pamamagitan ng isang local anesthetic, at ang sugat ay tatahiin matapos nito.
PAANO MAIIWASAN ANG CANCEROUS NA NUNAL?
Hindi mo kailangan ng sunburn para tumaas ang panganib na magkaroon ng skin cancer. Maaaring makuha mo ito kahit hindi ka mag-sunbathe – pero kung mas babad ka sa araw, naroon ang mataas na peligro. Kung mayroon kang pale skin o maraming nunal, mas mahalagang hindi ka ma-expose nang husto sa araw.
Iwasan mong magpaaraw during midday, gumamit ng sunscreen at wide-brimmed hats.
1375