Sa National Women’s Month Celebration “TRABAHO PARA KAY JUANA” ALAY NG PASAY

Pinangunahan ni Pasay City Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano ang ginanap na “TRABAHO PARA KAY JUANA” sa tulong ng Public Employement Service Office (PESO) ng nasabing siyudad noong nakaraang Marso 8. 2024 sa Cuneta Astrodome.

Ang okasyon ay bahagi ng pagpupugay sa mga kababaihan sa National Women’s Month na ang selebrasyon ay nagsimula noong Marso 1 hanggang 31, 2024 na ginaganap sa ibat-ibang tanggapan ng gobyerno sa buong bansa.

“Trabaho, negosyo, kabuhayan — lahat po yan ay tatalakayin natin ngayong araw na ito. At hopefully, by the end of this heartwarming event, ang bawat Pasayeña ay magkakaron ng magagandang trabaho, malalagong negosyo, at napakaginhawang kabuhayan. Lahat ito, ay parte ng ating misyon na magbigay ng Tapat at Higit sa Sapat na Paglilingkod,” ani Mayor Emi.

Mahigit 35 na kumpanya ang nakiisa at 6,000 trabaho ang binuksan para sa mga Pasayeña.

Nagbahagi din ng produkto ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Technical-Vocational Institute (TVIs).

Nagkaroon din ng isang araw na free skills training tulad ng manicure, pedicure, hilot, paggawa ng siomai at sardinas para sa mga kababaihan ng Lungsod ng Pasay.

Naglagay din ng One Stop Shop ng mga serbisyong pampamahalaan tulad ng National Bureau Investigation (NBI), Social Security System (SSS), Philippine Statistics Authority (PSA), Philippine Health Insurance (Philhealth), Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) at PAGIBIG.

Namigay din ng Bigasan Package bilang tulong ng Deparment of Labor and Employment (DOLE) sa mga maliliit na nagnenegosyo ng pagkain ng Lungsod Pasay.

Sa panayam ng SAKSI NGAYON kay Atty. Gerald Mariano, OIC Director II ng DOLE Pasay-Makati sinabi niya, bilang ipinagdiriwang ang Natonal Women’s Day noong Marso 8 na bahagi ng selebrasyon ng National Women’s Month na ginaganap sa buong bansa sa araw na iyon ay nagkaroon ng Mega Job Fair ang Pasay City government sa pakikipagtulungan sa DOLE na kung saan ay 6,000 trabaho ang binuksan ng 35 mga kumpanya na nakiisa sa okasyon para sa mga residente ng siyudad.

Ayon pa sa kanya, nagkaroon din ng livelihood packages, in form o bigasan para sa 21 beneficiaries sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program.

Mayroon ding orientation para sa TUPAD para sa unemployed na mahigit kumulang 155 mga kababaihan. “One time grant po ito at ang mga livelihood package natin ay nagkakahalaga po ng P30k, so yung mga livelihood grant natin ay worth P30k per beneficiary kaya kung mapapansin ninyo po 30 sacks of rice per beneficiary po, pagkatapos nila pag nakapila po or may naka-pending na request sila naman po ang ating ipa-process, nationwide po ito sa lahat ng regional office ng DOLE, Mayroon ganitong klaseng program dahil ito ay isa sa mga flagship program ng DOLE”, ayon pa kay Atty. Mariano.

Nagpapasalamat naman si Leny Martin, 40-anyos, may-ari ng karenderia ng Malibay, Pasay kay Mayor Calixto-Rubiano na isa siyang napiling mabigyan o benepisyaryo ng 30 sako na may 25 kilos ng bigas.

Anya, malaking tulong ito sa kanyang pamilya dahil makakadagdag ito sa kanyang maliit na karenderia na kanyang pinagkakakitaan.

Sinabi naman ni Cariza Dacuma, TESDA Pasay-Makati District Office na kaya kasama sila sa okasyon na iyon dahil gusto nila lahat ma-empower ang mga kababaihan, para maipakita ng mga ito na ang mga kababaihan ay importante sa ating ekonomiya.

“Kung paano sila mabibigyan namin ng skills para sila ay magkaroon ng pagkakataon na ma-employ or magkaroon ng negosyo, thru the skills na maibibigay ng TESDA, so yun po ang gusto namin mai-share dito sa atin nangyayaring activity ngayon para maintindihan nila na kaming mga kababaihan ay talagang kasama sa pag-unlad ng ating bayan,” pagbabahagi pa ni Dacuma.

Pinasalamatan naman ni Mayor Calixto-Rubiano ang maging katuwang ng Pasay City Government sa “TRABAHO PARA KAY JUANA” na kasama ang TESDA, DOLE, NBI, OWWA at mga pribadong kumpanya na nagbukas ng kanilang mga trabaho para sa mga residente ng siyudad.

Pinuri naman ni Mayor Calixto-Rubiano ang mga empleyado ng Pasay City Hall na tumulong para matuloy ang okasyon.

Ayon pa sa kauna-unahang babaeng alkalde ng lungsod, “Its is a wonderful time to be a woman, being a woman my self blessed to be first ever woman mayor of our humble home Pasay City.”

“Alam ko a-agree kayo na blessing tayo na kahit na kanino mapapamilya, para sa ating lungsod, sa komunidad, sa ating bansa, will it be a great blessing alam natin hindi madaling tumayo bilang nanay, ate, o lahat lumalabas ito. Pero hindi naman namin kakayanin ang lahat ng aming ginagampanan sa buhay kung wala ang ating mga partners na kalalakihan, agree din?,” pahayag pa ni Mayor Calixto-Rubiano.

(Joel O. Amongo)

58

Related posts

Leave a Comment