ANG KWENTONG PAGLAGO NG BAYONG REPUBLIC SA BUWAN NG KABABAIHAN

Ipinakita ng nagmamay-ari ng Bayong Republic Philippines kung ano ang kakayanan ng isang babae para mapalago niya ang kanyang sariling negosyo.

Sa panayaman ng Luto Mo Saksi Ko (SAKSI NGAYON – LMSK) host Tess Escuadro, sinabi ni Ms. Joyce Griño, CEO of Bayong Republic Philippines na sa halip na kinasayan na traditional na Bayong noong araw ay in-upgrade niya ito na ginawang Modernong Bayong.

Ayon pa sa kanya, ang kanyang Modernong Bayong ay 100% Pinoy made na nakakarating sa Hongkong, Japan, Taiwan, United States, Canada at Europe.

Sinabi pa niya na dahil sa kanyang negosyong Modernong Bayong na export quality ay marami siyang nabibigyan ng trabahong paghahabi sa mga nanay.

“Nakasayanan po natin na ang nakikita natin dati ay ang traditional na Bayong, pero ngayon makikita nyo na ang Modernong Bayong na export quality na sa tulong ng mga nanay o kababaihan ay nagagawa po namin ito”, ayon pa kay Miss Grino.

Ayon pa sa kanya, kabilang din sa nabibigyan niya ng kabuhayan ay ang small artists sa bansa nagiging katuwang niya sa pagdedesinyo ng Modernong Bayong.

Nilinaw din niya na kaya malakas ang kanyang Modernong Bayong sa mga dayuhan dahil mas naa-appreciate nila ang native products na gawang Pinoy.

Sa katunayan anya, sa Africa na lang sila walang suplay ng Modernong Bayong at sa mga susunod na mga panahon ay umaasa siya ay makakapag-export na sila sa bansang nabanggit.

Binanggit pa niya na nagsimulang lumakas ang kanyang negosyong Modernong Bayong noong 2019 at lalo pa itong lumakas pagdating ng 2020, 2021 hanggang 2023 na kung saan dumating ang COVID2019 pandemic.

Anya, hindi makalabas ang mga tao sa panahon ng pandemic na kung saan ay naka-focus ang mga ito sa internet kaya nag-boom ang online selling na tulad nila.

Inihayag din niya na tumatanggap din sila ng customized Modernong Bayong para sa kanilang mga kustomer maging sa abroad man o sa lokal.

Ang katulad ni Ms. Joyce Griño, CEO of Bayong Republic Philippines na isang babae ay binibigyan ng pagpupugay sa ibang bansa man o dito sa Pilipinas mismo sa pagdiriwang National Women’s Month na nagsisimula Marso 1 hanggang 31 taon-taon.

Matatagpuan ang tanggapan ng Bayong Republic Philippines sa 1282 Vincom Centre dos Castillas cor Laon-Laan St., Maynila at bisitahin ang FB Page Bayong Republic Philippines at Instagram @bayongrepublicofficial.

(Joel O. Amongo)

119

Related posts

Leave a Comment