2020 OLYMPICS TARGET NI BARBOSA

(NI LOUIS AQUINO)

MAKARAANG makuha ang inaasam na gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games men’s -54 kg (fin) category, target naman ngayon ng taekwondo jin na si Kurt Bryan Barbosa ang 2020 Tokyo Olympics.

Sinabi ni Barbosa, hindi pa siya satisfied sa gold medal win sa 2019 SEA Games.
“Di pa masarap kasi di pa ako nakakapunta sa Olympics na talagang gustong gusto ko po,” aniya.

Kaya naman ngayon pa lang ay naghahanda na siya sa sunod na tournament niya, ang 2019 World Taekwondo Grand Slam Champions Series sa Wuxi, China ngayon din Disyembre.

“Yung goal ko, goal namin sa Philippine taekwondo, Olympics talaga.”

Sa kabila nito, labis naman umano siyang nag-enjoy sa SEAG stint niya lalo’t nakuha naman niya ang kanyang pakay.

“Sobrang daming gold sa SEA Games,” masayang sabi ng 20-anyos na si Barbosa, na tubong Bangued, Abra.

“Almost three months din akong hindi umuuwi. Pero nandito yung family ko, nanood,” pagmamalaki ng ngayon pa lang sumabak na biennial meet na taekwondo jin.

Kaya naman lalong na-inspire si Barbosa at hindi binigo ang kanyang pamilya at ang bansa nang kanyang talunin ang nakalabang si Reinaldy Atmanegara ng Indonesia, 26-10, para sa gold medal win sa men’s -54 kg (fin) category.

177

Related posts

Leave a Comment