2022 FIBA 3×3 Asia Cup GILAS USAD SA SEMIS

DERETSO na ang Gilas Pilipinas men’s 3×3 squad sa semifinals ng 2022 FIBA 3×3 Asia Cup matapos ma-upset ang Mongolia, 21-20, Linggo sa Singapore.

Binulaga ng Gilas ang top-seeded Mongolia sa game-winning two-pointer ni Almond Vosotros upang umabante sa last four ng torneo.

Muling namalas ang ‘pusong palaban’ ng mga Pinoy nang mula sa apat na puntos na pagkakaiwan ay nakahabol at sa huli ay nakuha pa ang panalo.

Sinusulat ito ay hinihintay pa ng Gilas 3×3 ang mananalo sa quarter-final game sa pagitan ng New Zealand at Japan.

Ang Gilas ay binubuo nina PBA 3×3 stalwarts Vosotros, Lervin Flores, Samboy de Leon at Joseph Eriobu.

DWIGHT OUT NA

KUNG may good news, may bad news din sa Gilas Pilipinas. Ito’y makaraang mawala sa Gilas mens 5×5 dahil sa leg injury si Dwight Ramos.

Bunsod nito, hindi na siya makapaglalaro sa FIBA Asia Cup 2022, ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Nabatid na nagkaroon ng medial tibial stress syndrome o shin splints ang naturang player. Unang nakaranas si Ramos ng pananakit sa kaliwang binti noong nakaraang linggo.

Inaasahang si Rhenz Abando ang hahalili kay Ramos.

“We will definitely miss Dwight who’s one of our starters,” sabi ni Gilas Pilipinas program director and head coach Chot Reyes. “Ngunit iyon ang halaga ng pagkakaroon ng pool at ang dahilan kung bakit ginagawa ni Rhenz ang paglalakbay kasama ang koponan.” (ANN ENCARNACION)

82

Related posts

Leave a Comment