2022 PBA Philippine Cup UNAHAN SA TOP 8

Ni ANN ENCARNACION

ASAHAN ang mainitang sagupaan ngayon (Huwebes) sa pagitan ng NLEX Road ­Warriors at Converge FiberXers na ­kapwa naghahangad maka­kuha ng silya sa quarterfinals ng 2022 PBA Philippine Cup.

Pipilitin naman ng San Miguel Beermen na mapanatili ang ­liderato kontra rumaratsada nga­yong TNT Tropang Giga.

Maghaharap ang Road Warriors at FiberXers sa unang game ng double-header sa Smart ­Araneta Coliseum, 5:15 ng hapon.

Kasalukuyang nasa ikalima sa team standing ang NLEX (4-3) na hindi maaaring magkampante kontra Converge (2-5) na inaasahang kakayod ng husto lalo’t nasa alanganing ikawalong puwesto.

Nabigo ang NLEX sa huling laban nito kontra Magnolia, 73-87, habang talo rin ang Converge kontra Barangay Ginebra, 89-105, kaya inaasahang kapwa pipiliting makabawi ng magka­labang koponan.

Sa main game 7:15 ng gabi, magbabakbakan ang nangungunang SMB (6-1) at nasa pang-apat na puwestong TNT (7-2).

Kapwa hangad ng Beermen at Tropang Giga na mapanatili ang magandang kartada at makakuha ng insentibo papasok sa ­quarterfinals ng 47th PBA first conference.

Sa pinakahuling laro ng San Miguel ay dinomina nito ang NorthPort, 122-106, habang dinaig din ng TNT ang nakalabang Terrafirma, 114-86.

55

Related posts

Leave a Comment