PAGBABAKUNA KONTRA COVID PAIIGTINGIN NI PBBM

(CHRISTIAN DALE)

PLANO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na paigtingin at pabilisin ang vaccination drive laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa gitna ng pagtaas ng infections.

Sinabi ni Pangulong Marcos, na paiigtingin ng kanyang administrasyon ang pagsisikap nito na pabilisin ang vaccination drive upang mahikayat ang mga Pilipino, lalo na ang mga kabataan na tumanggap ng booster shots laban sa COVID-19.

Para sa Punong Ehekutibo, ang tao na may COVID-19 booster shots ay mas mayroong “stronger immunity” laban sa Omicron subvariants.

“With Omicron, you apparently need a third dose, which is a booster dose. So we will be encouraging that especially for younger people because again, we have to be concerned about their return to school. That’s the general policy. We will reinstitute again the vaccination drive so that we can at least feel safer when the children go back to school,” ayon kay Pangulong Marcos.

Ang pahayag na ito ni Pangulong Marcos ay kasabay nang pahayag niya ukol sa planong magdaos na ng “full” face-to-face classes sa buwan ng Nobyembre ngayong taon.

Sa kabila ng presensya ng Omicron subvariants sa bansa, kumpiyansa naman si Pangulong Marcos na matatalo ng kanyang administrasyon ang COVID-19.

86

Related posts

Leave a Comment