AIR FORCE LAWIN KAMPEON

paf44

IBINULSA ng Philippine Air Force (PAF) Lawin ang 2019 PBL Open title sa pamamagitan ng 7-4 win kontra Thunderz all Star team, Linggo sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Si veteran national team pitcher Romeo Jasmin ang nagpakitang-gilas sa laban, kung saan sa kabila ng hinayaan ang nine hits sa seven innings na laro, ang dating Adamson University standout at inangklahan ang depensa sa pagpapatalsik sa walong kalaban sa base.

Matapos ang scoreless first frame, ang PAF Lawin ay ‘nagwala’ nang si Aids Bernardo ay kumana ng magkasunod na hits, bago kumamada si Junmar Diarao ng two-RBI single tungo sa 2-0 lead, na sinundan pa ng hit ni Jonjon Robles para makabalik sa home base si Diarao at itala ang 3-0 lead.

Sa third inning, ang PAF ay tuluyan nang lumayo matapos umiskor ng apat pang runs na sinamantala ang bawat error ng Thunderz.

At naitala ni Robles ang ikalawa niyang hit nang ilayo pa ang iskor sa 7-0.

Para kay Jasmin, ang panalo ng Lawin ay bunga ng teamwork.

“Siguro dahil nasa military kami, iba ‘yung samahan namin. Iba ‘yung chemistry,”

Sa bronze medal match, tinalo ng Adamson Soaring Falcons ang UAAP rival na National University Bulldogs, 4-2, kung saan si right fielder Patrick Espinosa ay may perpektong 3-of-3 batting.

150

Related posts

Leave a Comment