BEAT BRONER FIRST BAGO ANG REMATCH

Ayaw munang pag-usapan ni Pacquiao ang potential rematch niya kay Mayweather sa susunod na taon.

Nabuhay ang rematch issue, nang magkita ang dalawa sa Japan kung saan mismong si Mayweather ang nag-ungkat na babalik siya sa boksing para muling labanan ang Filipino boxing great.

Naglaban at tinalo ni Mayweather si Pacquiao noong 2015.

Pero, para kay Pacquiao, kinakailangan munang kumbinsido niyang talunin si Broner bago isipin si Mayweather.

“I don’t think Adrien will agree with that, because I need to pass through him. This is not an easy fight,” wika ni Pacquiao. “I can’t give you an answer, but if you ask me, it would be good for me to have that fight.”

Maging si Joe Ramos, head ng MP Promotions, ay nagsabing mahirap balewalain si Broner.

“We all know Adrien is hungry, but he’s fighting boxing’s only eight-division champion. Manny will show the world that he’s the best fighter on the planet come January 19. Don’t miss a chance to be part of history,” ani Ramos. VIRGI T. ROMANO

8

Related posts

Leave a Comment