(NI CHRISTIAN DALE)
ILIBRE o huwag nang pagbayarin ang mga estudyante na manood ng iba’t ibang games sa 2019 Southeast Asian Games.
Ito ang suhestiyon ni Presidential spokesperson Salvador Panelo upang maraming estudyante ang makapanood ng kada dalawang taong biennial meet.
Kung hindi papayag ang 30th SEA Games organizers, bigyan man lamang ang mga estudyante na gustong manood nang live sa iba’t ibang venues ng kahit 50% discount.
“Baka pwedeng yung mga estudyante huwag na lang pagbayarin siguro, pero yung mga may sweldo naman, eh, magbayad,” ani Panelo.
Ayon pa sa Presidential spokesman, kailangan ng organizers ng SEAG ng panggastos para sa maintenance kaya okey lang na magbayad ang mga may trabaho, ngunit sana ay libre o kahit bawasan naman ng kalahati ang tiket para sa mga estudyante
Nauna nang hiniling ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevella kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kung pupwedeng wala nang bayad ang karamihan sa events sa SEA Games.
Katwiran ni Puentevella, maraming Pinoy ang gustong manood ng mga laro ngunit walang perang pambili ng ticket.
“After watching the exciting football match between our team drawing Cambodia with only half the stadium filled with cheering football Pinoy fanatics, I’m sure there were many more waiting outside who wanted to just experience the games but couldn’t come in because they couldn’t afford the tickets,” sabi ng mambabatas.
Saad pa ng dating Philippine Olympic Committee chairman, sapat naman ang bilyon-bilyong pisong nakuha ng Philippine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) para ma-subsidize ang mga ticket at ibigay na lang sa bawat Pilipinong gustong sumuporta sa aing mga pambansang atleta.
“And since we are using billions of government funds anyway, why are we still commercializing the games? Aren’t these billions enough? How can we avail of the home court advantage in this manner?”
Sinabi pa ni Puentevella, “outside the opening and closing ceremonies and probably our national sport, basketball, it’s about time we free all the games before the official opening. I’m sure the President will approve this for the sake of the sport-loving masses.”
Isang libong piso hanggang P12,000 ang presyo ng tiket sa SEA Games opening ceremony bukas (Nobyembre 30) sa Philippine Arena, habang sa Disyembre 11 naman ang closing ceremony sa New Clark City.
189