EYE INJURY NI PACQUIAO SCRATCH LANG

pac

(NI VIRGI T. ROMANO, SAKSI, Sports Editor)

LOS ANGELES – – MAGBABALIK sa Pilipinas sa Martes (Miyerkules sa Manila) si eight-division world champion Manny Pacquiao bitbit pa rin ang kanyang WBA welterweight belt matapos ang unanimous decision win kay Adrien Broner noong Sabado ng gabi sa MGM Grand Garden Arena.

Siniguro ng Pambansang Kamao na walang dapat ipag-alala ang fans hinggil sa napabalitang eye injury na kanyang natamo sa laban.

“Nagasgas lang ng tape sa gloves ni Broner,” ani Pacquiao.

Ayon sa 40-anyos na boksingero, nangyari na rin ito sa kanya, pero sa kanang mata at kinailangan lamang umano niya ng 3 o 4 na araw ay babalik na rin sa normal.

Upang makasiguro, nagpatingin si Pacquiao nitong Lunes sa eye specialist dito sa Los Angeles.

Kapansin-pansin sa post-fight conference ay naka-dark eye glasses si Pacquiao, pero hindi niya binanggit na may iniinda siyang masakit sa kanyang mata.

Pero, ang severe cold at flu habang lumalaban ay tiniis niya.

Naiulat lang ang nasabing injury sa mata nang pabalik na ang grupo dito sa Los Angeles.

Bukod dito, ilang malalapit sa boksingero na hindi mga nagpabanggit ng pangalan ang naging source ng nasabing eye injury. At ang mga source na ito pa ang nagsabing posibleng ‘detached retina’ ang tinamo ng Fighting Senator.

Una rito, iniulat ng Yahoo! Sports, tila nagtamo si Pacquiao ng ‘detached retina’ matapos umanong makaramdam ng pananakit ng kaliwang mata noong Linggo ng umaga.Maging ang New York Daily News ay ibinalitang sinabi umano ni Pacquiao sa ilang malalapit na kaibigan ang panlalabo ng mata. Matapos ang laban ay magdamag naglaro ng chess si Pacquiao.

Sa pagbabalik sa Pilipinas ng Fighting Senator, magpapatingin ang boksingero sa eye specialist upang masigurong minor injury lamang ang kanyang tinamo sa laban.

Dahil kung ang magiging resulta ng eksamin ng kanyang mata ay ‘detached retina’ hindi lamang ang sinasabing July rematch kay Floyd Mayweather ang madidiskaril, kundi maging ang kanya mismong boxing career.

Samantala, wala pa ring follow-up hinggil sa naganap na pag-ransack sa bahay ni Pacquiao.

Kung anu-ano ang mga nawala o ninakaw ay hindi pa masabi ng pulisya habang patuloy ang imbestigasyon.

Napag-alaman, na Sabado ng gabi, habang binubugbog ni Pacquiao si Broner ay pinasok ng ‘di pa nakikilalang suspek ang bahay ng boksingero.

547

Related posts

Leave a Comment