WAGI sa NBA ang Toronto Raptors sa kauna-unahang pagkakataon.
Tinalo ng Raptors ang Golden State Warriors sa 114-110 sa Game 6 ng NBA Finals, Huwebes ng gabi (Biyernes ng umaga sa Manila)
Nanalo ang Raptors sa 4-2 series na pumigil sa Warriors sa ikatlo sanang straight championship.
Sina Kyle Lowry at Pascal Siakam ay pumuntos ng tig-26 para sa Raptors, sina Fred VanVleet at Kawhi Leonard naman ay may tig 22.
Si Klay Thompson ay umiskor ng 30 sa Golden State ngunit nagkaroon naman ng knee injury. Si Andre Iguodala ay nakapuntos ng 22 at si Stephen Curry ay may 21 sa Warriors.
Na-miss ni Curry ang 3-pointer sa nalalabing 5 seconds.
141