GOLD SINUNGKIT; LADY VOLCANOES, NAGPASABOG

rugby77

(NI JEAN MALANUM)

PINASABOG ng Philippine Lady Volcanoes ang host Indonesia, 26-7, para sungkitin ang

gold medal at kumpletuhin ang kampanya sa 2019 Asia Rugby Women’s Sevens Trophy, Linggo ng gabi sa Jakarta.

Kinontrol nina Aldee Denuyo, Aiumu Ono, at Helena Indigne ang laro para ihatag sa Pilipinas ang panalo.

Dahil sa nasabing panalo, ang Lady Volcanoes ay umangat sa Asia Rugby Women’s Seven Series sa susunod na season.

Blinangko rin ng Pilipinas ang Qatar, 27-0 at Laos, 24-0. Pagkatapos ay isinunod ang India, 19-12 para umabante sa finals laban sa Indons.

Kasama ang nasabing kompetisyon sa paghahanda ng Philippine team sa 2019 SEA Games.

 

100

Related posts

Leave a Comment