IKAANIM NA SUNOD,  HAHABLUTIN NG F2

volley21

LARO NGAYON:

(VELEZ SPORTS CENTER)

4:15 P.M. – STA. LUCIA VS F2 LOGISTICS

7:00 P.M. – GENERIKA-AYALA VS CIGNAL

(PHOTO BY MJ ROMERO)

SILAY CITY – Ipagpapatuloy ng powerhouse F2 Logistics ang mainit nitong kampanya sa pagsagupa sa Sta. Lucia sa Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayon sa Natalio Velez Sports and Cultural Center dito sa Negros Occidental.

Ang aksyon ay magsisimula sa alas-4:15 ng hapon kung saan nakatuon ang Cargo Movers sa ikaanim na sunod na panalo.

Magtatapat naman ang Cignal at Generika-Ayala sa ikalawang laro sa ganap na alas-7:00 ng gabi sa mga larong ipalalabas sa ESPN5 at Kapatid TV5.

Sapol nang kunin ang serbisyo ni Filipino-American spiker Kalei Mau mula sa nag-disband na United VC, nagbago ang ihip ng hangin para sa Cargo Movers, nang magwagi sa kanilang unang limang laro, kasama na ang malaking panalo kontra reigning champion Petron at heavy contender Cignal.

Laban sa HD Spikers, ipinamalas ng Cargo Movers na kaya nilang mabawi ang korona, na bagama’t 10 points lang ang naiambag ni Mau, sumaklolo naman sina Ara Galang, Aby Marano at Majoy Baron tungo sa panalo ng F2, 25-22, 25-19, 25-14.

Gayunpaman, hindi pa rin kuntento si F2 coach Ramil de Jesus.

“It’s not about the record. Yes, we have a perfect card so far, but we’re still playing in the eliminations. It’s still a long way to go,” ani De Jesus, na inakay ang Cargo Movers sa Al-Filipino title noong 2017.

“I told the team to keep on playing hard. The playoffs will be a different ballgame so we have to build momentum in this early part of the conference,” dagdag niya.

 

171

Related posts

Leave a Comment