JAZZ PIKON, TALO SA GRIZZLIES

TALSIK sa laro si Utah guard Jordan Clarkson matapos na muntikan na silang magrambol ng Memphis players sa FedExForum, Utah.

Tinawagan ang Fil-Am player ng F2 foul matapos habulin at hampasin sa ulo si Bane nang maagawan siya ng bola sa game na pinanalunan ng Grizzlies, 123-118.

Umalma si Bane at kinailangang awatin ng teammates, at si Clarkson ay hindi kinakitaan ng pagsisisi habang tinatalakan ang Grizzlies bench.

Si Ja Morant, hindi lumaro sanhi ng right thigh injury, ay galit na kinompronta naman ang Jazz bench.

Utah ang may pinakamaraming back-to-back games sa season. Katunayan, matapos ang losing game sa Chicago, maaga silang bumiyahe sa Memphis at sa loob ng 22-oras ay dalawang beses sumalang sa laro.

Pitong talo na ang Jazz sa huling walong laro at officially out na sa playoffs.

Si Lauri Markkanen, may 21 points, ang nanguna sa seven Jazz players na may double ­figures, kasama si Kelly Olynyk, 19 points at eight rebounds at Walker Kessler, 10 points, 11 rebounds at six blocks. Bago napatalsik sa laro, nag-ambag si Clarkson ng 17 puntos.

Kahit hindi lumaro si Morant, hindi pa rin kinaya ng Utah ang second best team sa West na Memphis, may seven 3-pointer tungo sa 43-point second quarter at 16-point lead sa first half. (VT ROMANO)

25

Related posts

Leave a Comment