JAZZ SADSAD SA BUCKS

HINDI lumaro sina Giannis Antetokounmpo at Khris ­Middleton. Wala namang ­problema dahil naitala ng Milwaukee ang kartang 4-1 sa mga larong wala ang dalawa.

Bilang halili kay Antetokounmpo sa starting lineup, umiskor si Bobby Porttis ng 22 points at 14 rebounds at kinaladkad ng Bucks ang bisitang Utah Jazz, 123-97, Sabado ng gabi (Linggo sa Manila) sa Fiserv Forum.

Parehong may knee soreness sina Antetokounmpo at Middleton.

Si Portis ay 9-for-16 sa field at may dalawang 3-pointers.

Nagdagdag si Jrue Holiday ng 21 points at eight assists at si center Brook Lopez, 18 points at eight rebounds para tulungan ang Bucks makabalikwas mula sa 41-point loss sa kamay ng Memphis Grizzlies noong Huwebes.

Ang Milwaukee ay 14-3 at home at 21-8 overall.

Sina Malik Beasley at Lauri Markkanen, may tig-18 puntos sa Utah, kagagaling sa back-to-back home wins sa New Orleans.

Naging malaking bagay para sa Bucks ang pagkontrol sa board, 54-28.

Matapos ang ‘worst loss’ sa season sa kamay ng Memphis, rumesbak ang Bucks at ngayo’y handa sa five-game road trip simula sa Lunes sa New Orleans.

Nadiyeta naman si Jordan Clarkson, umiskor ng 39 sa ­huling panalo ng Utah kontra New Orleans (132-109) nang malimitahan sa 13 puntos.

SUNS BINUHAT
NI BOOKER vs
PELICANS

MAY season-high 58 points si Devin Booker, na halos mag-isang binuhat ang Phoenix Suns sa 118-114 win kontra New Orleans Pelicans.

Ikalawang beses ito sa season nagtala si Booker ng 50-points. Una siyang naglista ng 51 laban sa Chicago Bulls noong Nobyembre 30 sa tatlong quarters lamang.

Mas impresibo ang ginawa niya ngayon dahil nagawa niyang iahon ang Suns mula sa 24-point deficit sa second half.

Ang three-time All-Star ay 21-of-35 (shooting), kasama ang 6-of-12 3-pointers. Nagdagdag pa siya ng five rebounds at five assists.

Abante ang Pelicans, 83-59 sa kalagitnaan ng third, ngunit nakagawa ang Suns ng 25-6 run at dumikit, 89-84 bago ang fourth. Umiskor si Booker ng 20 points sa third.

OT WIN
NAITAKBO NG
CAVS vs MAVS

NAKATAKAS ang Cleveland ­Cavaliers sa 100-99 OT win kontra shorthanded Dallas Mavericks

Isang dunk ni Jarrett Allen sa huling 2:01 sa overtime ang nagkaloob sa Cavs ng panalo at nanatiling unbeaten sa lima nitong OT games sa season.

May tatlong oportunidad ang Mavericks para makaabante sa last minute, kasama ang 30-­footer ni Christian Wood sa buzzer. Naagawan si Frank Ntilikina ni Donovan Mitchell at ang jumper ni Kemba Walker ay tumama sa backboard at rim.

Umiskor si Mitchell ng 25 points at si Darius Garland may 18 points, seven rebounds at 12 assists para sa Cleveland. ­Nagdagdag si Allen ng eight points at 15 rebounds at si Evan Mobley, 17 points at eight rebounds.

Ikalawang gabi ng back-to-back games, lumaban nang todo ang Mavs, ngayo’y laglag sa 15-15, habang 20-11 naman ang Cavs.

Sumabak ang Mavericks nang wala ang key players sa pangunguna ni Luka Doncic, gayundin sina Spencer Dinwiddie, Josh Green, maxi Kleber at Dwight Powell.

GRIZZLIES BINIGO
NG OKC

BAGO pa mag-halftime, talsik sa laro si Memphis star Ja Morant at pinutol ng undermanned Oklahoma City Thunder sa pito ang winning streak ng Grizzlies via 115-109 win.

Ejected si Morant sa huling 43 seconds ng half nang matawagan ng pangalawang technical foul makaraang magbitaw ng hindi magandang salita sa courtside Memphis fans laban sa officiating.

May anim na puntos lamang si Morant (3-of-10 shooting) bago pinatalsik.

Natawagan ang All-Star guard ng unang technical 11 seconds sa laro, nang makakuha ng foul, kasunod ang pagrereklamo sa no-call nang mag-drive sa basket.

Wala sina stars Shai Gilgeous-Alexander at Josh Giddey sa lineup nang wakasan ng Thunder ang five-game losing skid.

Nagtala si Lu Dort ng 24 points at si Isiah Joe may season-high 23 points, kasama ang limang 3-pointers.

Nanguna naman sa Memphis si Dillon Brooks, 32 points.

Samantala, tinalo ng Miami Heat ang San Antonio Spurs, 111-101, sa Mexico City kung saan tinalakay ni Commissioner Adam Silver ang NBA expansion sa south of border.

Sinaksihan ng sellout crowd na higit 20,000 sa Mexico City Arena ang laro kung kailan nagtala si Jimmy Butler ng 26 points at five rebounds, habang si Bam Adebayo may 22 points at 13 rebounds at si Tyler Herro ay 21 points para sa Miami (16-15 win-loss).

Si Keldon Johnson naman ang nanguna sa Spurs sa kanyang 22 points, habang si Devin Vassell ay may 18points.

Umiskor naman si Kawhi Leonard ng season-high 31 points para akayin ang Los ­Angeles Clippers sa 102-93 win laban sa Washington Wizards. (VT ROMANO)

51

Related posts

Leave a Comment