KAYA NG PILIPINAS MAG-OVERALL CHAMPION SA SEA GAMES – TOLENTINO

Rep Bambol Tolentino-2

Tiwala si Philippine Olympic Committee president, Cong. Abraham “Bambol” Tolentino na kaya ng Team Pilipinas na maipanalo ang pangkalahatang kampeonato ng 30th Southeast Asian Games na gaganapin dito sa bansa mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Sa isang panayam sa SAKSI noong Martes, tiniyak ni Tolentino na may kakayahan ang 1,150 nating mga atleta na makangsungkit ng 130 hanggang 180 gintong  medalya upang muling tanghaling pangkalahatang kampeon ng tuwig ikalawang taong palaro matapos isumite ng POC ang listahan ng entries by name sa SEAG  Federation.

Sinabi ni Tolentino na ang kabuuang 1,150 atletang nasa entries by name na inirekomenda  ng mga NSA ay halos sya ring bilang ng isinumite ng mga NSA sa SEAG Federation na listahan ng entries by number noong nakaraang taon.

. “No changes,” ani Tolentino. “If there were changes, very minimal lang. Talaga namang wala nang dapat baguhin.   What the NSAs had recommended in the deadline for the entry by names were actually based on their athletes latest performances.”

“If there were no major changes in that athletes performance, bakit pa nga naman papalitan,”  katwiran  ni  Tolentino.

Inaasahang kasama sa mga inirekomenda ay sina Rio de Janeiro Olympic silver medallists Hidilyn Diaz, Tokyo Olympic Games qualifiers Ernest Obiena sa athletics at Carlos Yulo sa gymnastics.

Marami rin sa 23 gold medal winner noong 2O17 SEA Games at ilan sa silver at bronze medallist ay kasama, ” ayon naman kay deputy chef de mission Stephen Fernandez, bronze medallist noong 1992 Barcelona OIympics

Lalahok  ang Pilipinas sa 47 ng 56 sports na paglalabanan sa pinakamalaking edisyon na ito sa kasaysayan ng palaro.

Kaunaunahan at huling natamo ng Pilipinas ang korona noong 2005 nang ang palaro ay ginanap din dito sa bansa.

“Call me an optimist or something, but let me just tell you, may laban tayo sa overall. And our chances are very bright, “ anang mambabatas mula Cavite.

“We will be hosting these Games. We chose the sports to be disputed, so, siyempre pinili natin yung kung saan tayo malakas,”  paniniguro niya. “I know many of our countrymen still have apprehension on the capabilites of our athletes. But magugulat sila. Ang pakiusap ko lamang ay panoorin nila ang ating atletang lalaban. Suportahan natin sila at di kayo mabibigo, ” aniya.

“The SEA Games we will be hosting will be a repeat of the 2005 Games. Maayos ang naging preparasyon bagamat nagkaroon ng kaunting di pagkakaunawaan,”  pahayag niya. “We’re Filipinos ,we’ve proven our worth as successful organizers of events of this magnitude. We still will.

“Our athletes?  Well, they’ve also shown they can be champions, they can do it again,” sabi ni Tolentino.   (SALA SA INIT / EDDIE G. ALINEA)

64

Related posts

Leave a Comment