LAGLAGAN NG KNIGHTS, STAGS

MAGLALAGLAGAN ang Letran Knights at San Sebastian Stags sa pag-arangkada ng NCAA men’s basketball step-ladder semifinals ngayon sa Cuneta Astrodome.

Alas-4:00 ng hapon ang laro at ang mananalo ay haharapin ang No. 2 team na Lyceum of the Philippines University sa isa pang knockout duel sa Biyernes.

Ang four-peat seeking San Beda Red Lions ay dumeretso sa championship round, matapos walisin ang 18 games ng double-round eliminations.

Nakatakda ang best-of-three series sa Martes, Nobyembre 12 sa Mall of Asia Arena.

Inisplit ng Knights at Stags ang kanilang elimination round match.

Noong Agosto 20, suspendido si coach Egay Macaraya at na-fouled out pa si RK Ilagan, pero naitakas ng San Sebastian ang 102-101 overtime win.

Bumawi ang Letran sa second round, nang magtala ng 99-82 win.

Target ng Letran ang ikalawang sunod na Final Four appearance bilang third-ranked team, habanga ng San Sebastian ay nakabalik sa semifinals makaraang mapatalsik sa Season 94.

Si Jerrick Balanza, kasama sina Bonbon Batiller at Larry Muyang ay target bitbitin ang Letran sa Finals.

Habang ang Stags ay sasandal naman sa kanilang tops na sina Ilagan at Allyn Bulanadi para akayin ang koponan hanggang Finals.

Si Bulanadi ay nagpaputok ng season-high 44 points nang talunin ng Stags ang University of Perpetual Help System Dalta, 99-94 sa pagtatapos ng elimination round. (PHOTO BY MJ ROMERO)

156

Related posts

Leave a Comment