LEBRON, LAKERS UPOS SA HEAT

SA kanyang huling laro bilang 37-year-old player, bigo si LeBron James buhatin ang Los Angeles Lakers matapos yumuko sa kamay ng Miami Heat,112-98.

Nakapaglista si James, 38th birthday ngayong Biyernes, ng ­average 30.1 points, habang si Karl Malone ay may 23.2 noong siya’y 37 anyos.

Umiskor si Jimmy Butler ng 27 points, kasunod si Bam Adebayo (23 points at 14 rebounds) sa panalo ng Miami (18-17).

Nagdagdag naman si Tyler Herro ng 18 points at nine assists. Habang sina Caleb Martin at Gabe Vincent tig-13 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nagsumite si James ng 27 points, nine rebounds at six assists para sa Lakers, ikalawang gabi ng back-to-back. May tig-15 points sina Russell Westbrook at Dennis Schroder.

Kahit wala si point guard Kyle Lowry (personal reasons), flawless ang naging laro ng Heat. ­Katunayan, hanggang sa tatlong quarters may apat lang silang turnovers habang ang Lakers ay 19, na na-convert ng Heat sa 25 points.

Umabante pa ang Heat ng 22 puntos sa isang bahagi ng laro. Ikatlong largest margin ito sa season at biggest mula noong Oktubre 26. Habang ang 14-point final margin naman ang third-largest win sa season ng Miami. (VT ROMANO)

256

Related posts

Leave a Comment