Manny Pacquiao: Ang Alamat (Ikalawang Bahagi) MULA FLYWEIGHT, NAGING HARI NG SUPER-WELTERWEIGHT

ISANG maulang araw noong taong 2001, ang 22 taong gulang na dating kampeon sa flyweight ng World Boxing Council ay kumatok sa pintuan ng Wild Card Gym sa ­Hollywood, California na pag-aari ng tanyag na boxing trainer na si Freddie Roach, upang humingi ng tulong na pamahalaan ang kanyang pro career.

Makaraan ang isang dekada at dalawang taon mula noon, at sa patnubay ng Hall of Famer na si Roach, si Pacquiao ay nakoronahan bilang panginoon ng RING Magazine sa featherweight, WBC super-featherweight, WBC lightweight, IBO/Ring welterweight, WBO welterweight, at WBC super-welterweight.

Lingid sa kaalaman ng ­marami, ang ngayon ay Senador na si Manny ay kauna-unahang boksingero na nanalo ng pandaigdig na kampenato sa limang dibisyon.

Kauna-unahan din sa kasaysayan na nakamit niya ang apat na pangunahing titulo sa walong dibisyon na kung tawagin ay “glamour”divisions – flyweight, featherweight, lightweight at welterweight.

Ang ating Pambansang Kamao ay matagal na kinilalang pinakamahusay na aktibong mandirigma sa pound-for-pound ng halos lahat ng sportingnews at boxing websites kabilang ang ESPN, Sports
Illustrated, ­Sporting Life, Yahoo Sports, About.com, BoxRec, at RING. Ito ay mula nang umakyat siya sa lightweight hanggang maagaw ang korona niya sa welterweigh noong 2012.

Si Manny rin ang tinanghal na pinakamatagal na naghari sa listahan ng 10 aktibong boksingero ng RING sa pound-for-pound.

May mga nagsasabing wala na ang dating bagsik ni Manny sa ibabaw ng parisukat na lona, bagama’t mas marami ang sumusumpa na taglay pa rin niya ang kalidad ng isang mandirigmang nakagawa ng malaking pangalan sa boksing.

Sa edad na 42, kung magagapi na ang salot na coronavirus, at makakita na ang Team Pacquiao ng makakalaban para ituloy ang mga natamo niyang tagumpay sa 25 taong nakalipas, may pagkakataon pa si Manny na madagdagan ang kanyang mga pamana sa daigdig ng palakasan.

Kulang pa ng tatlong taon para mapantayan niya ang record ng dating kampeon sa heavyweight na si George Foreman na nabawi ang kanyang korona sa edad na 45 noong 1994.

Huling nakita si Pacquiao ng kanyang milyon-milyong tagasunod noong Hulyo 2019, kung kailan pinalasap niya ang dating walang talong si Keith Thurman ng mapait na pagkatalo para mapanatili ang
kanyang super WBA welterweight belt, na inagaw niya kay Argentine Lucas Matthysse sa 7 round na pagpapatulog dito.

Nauna rito, naidepensa niya ang korona laban kay Andrien Broner, na tulad ni Thurman ay isa ring Amerikano.

Father Time is — and always will be — undefeated. So, as I have said before, why don’t we just reflect on the many thrills Pacquiao has given us and appreciate him while he’s still fighting, because nothing lasts forever.

66

Related posts

Leave a Comment