IPINAGPATULOY ng Filipino-American speed racer na si Peter Groseclose ang pagtatala ng mga bagong record para sa bansa habang naghahanda sa pagsabak sa 2024 Winter Youth Olympics
Binura ng tanging lahok ng Pilipinas sa WYO ang Southeast Asian record sa short track speed skating nang magsumite ng 41.18 segundo sa World Cup 1 sa Montreal.
Nasungkit ng 15-anyos na si Groseclose ang isang puwesto sa 2024 Winter Youth Olympics na gaganapin sa Gangwon, South Korea, nang magpakitang-gilas sa 2023 ISU Junior World Short Track Speed Skating Championships sa Dresden, Germany.
Si Groseclose ay pangatlo pa lamang na Pilipinong iIce skater na nagkuwalipika sa Winter Olympiad.
Si Michael Martinez ang una sa kasaysayan ng bansa na nakalusot sa Winter Youth Games noong 2012. Taong 2020 pa nang nasundan ito Julian Macaraeg sa Switzerland edition.
Si Groseclose ay sasabak sa 500m, 1000m, at 1500m events ng Youth Olympics na nakatakda simula Enero 19hanggang Pebrero 1, 2024.
(Ann Encarnacion)
441