NIETES AT IOKA BUGBUGAN SA NEW YEAR’S EVE

nietes

HABANG abala ang lahat sa pagpapaputok at pagsalubong sa 2019, makikipagbakbakan naman si three-division world champion Donnie Nietes sa Wynn Palace Cotai Arena sa Macao, Lunes ng gabi.

Sa official weigh-in nitong Sabado, tumimbang si Nietes ng eksaktong 115 pounds, habang 114.5 lbs naman ang kasagupang dati ring three-division world champion na si Kazuto Ioka ng Japan.

Maghaharap ang dalawa para sa bakanteng WBO super-flyweight crown.

Nangako si Nietes na mas magiging agresibo sa laban, upang makaiwas sa nangyaring draw sa huling laban sa kababayang si Ashton Palicte noong Setyembre.

“Maganda ang kundisyon ni Donnie. Lagi naman, actually hindi naman nagpapabaya sa katawan iyan,” lahad ni trainer Edito Villamor.

Target ng 36-anyos na si Nietes (41-1-5, 23KOs) mahablot ang ikaapat na korona sa magkakaibang dibisyon.

Pero, batid na hindi iyon magiging madali, dahil gutom rin sa korona ang 29-anyos na si Ioka (23-1, 13KOs), na naghahangad na maging unang Japanese boxer na tatanghaling kampeon sa apat na weight classes.

Habang si Nietes, mula sa ALA Boxing Stable ng Cebu City, ay nais isemento ang kanyang pangalan sa kasaysayan ng Philippine boxing bilang ‘durable at consistent’ champion.

Parehong naging kampeon sina Nietes at Ioka sa minimumweight, light flyweight at flyweight divisions. (VTRomano) (PHOTO BY: CARLOS COSTA/Philboxing.com)

162

Related posts

Leave a Comment