ANAK NG MAYOR NA DINUKOT NG ABU LAYA NA

patikul

PINALAYA na ang anak ni Labason Mayor Eddie Quimbo na si Jed, dinukot ng grupo ng Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu.

Si Quimbo ay pinalaya bandang alas-4:14 ng hapon sa bisinidad ng Anuling Village, Patikul.

Noong Setyembre 6, 2017 ay dinukot sa Labason si Quimbo ng anim na armadong lalaki at isinakay sa van. Pinalaya siya ng mga Abu Sayyaf sa Patikul at ibinigay sa kanyang kapatid na si Justin.

“Si Mister Justin ay kasama ni dating governor Abdusakur Tan. Iniharap ito kay officer-in-charge ng Joint Task Force Sulu sa bahay ng mga Tan,” ayon sa report.  Isasailalim naman sa debriefing si Quimbo at medical checkup sa Camp Bautista Station Hospital.

9

Related posts

Leave a Comment