PBA GOVERNORS CUP FINALS: TRADISYON BINALEWALA

(NI DENNIS IÑIGO)

BINALI mismo ng Philippine Basketball Association ang nakaugalian na nito, para sa darating na Governors Cup Finals sa pagitan ng Barangay Ginebra at Meralco.

Ang Game 1 ng the best-of-seven title series ay inurong sa Enero 7, unang beses sa matagal na panahon na itinapat ang laro sa araw ng Martes.

Ang orihinal na simula ng finals ay Miyerkoles, Enero 8.

Ang pagbabago sa kalendaryo ng Governor’s Cup Finals ay bunsod sa reklamo ng mga opisyal at coaches ng dalawang teams na masyadong maikli ang araw para sa pahinga at preparasyon sa unang dalawang games, lalo’t ang Game 2 ay gaganapin sa Lucena City sa araw ng Biyernes.

Gaganapin ang Game 1 sa Smart Araneta Coliseum, sa Quezon City.

“Both teams pointed out yung small amount of time para magpahinga at mag-prepare for Game 2 which is a Friday kung ang start ng finals is Wednesday,” esplika ni PBA commissioner Willie Marcial.

“And yung sa Lucena [game] hindi na rin namin mai-move dahil matagal ng kasado yan. Ngayon kung mag-a-adjust kami pababa, magugulo yung buong schedule ng finals. Kaya ang pinaka-feasible talaga is to adjust pataas, and that is to play Game 1 on a Tuesday.”

Nauna nang pinuna ni Barangay Ginebra coach Tim Cone ang orihinal na iskedyul ng finals games matapos nilang talunin sa semis ang NorthPort.

“Its not the game [in Lucena] itself that’s the problem. It’s the preparation time that you have coming back and the effort that you put in going on a bus there and bus back. It really depletes your energy going into the next game,” giit ni Cone.

“And it makes the next game much harder. Not the game itself, its the next game that’s harder,” dagdag niya.
Maliban sa unang dalawang games, mananatili ang orihinal na iskedyul ng laban ng Ginebra at Meralco, kabilang na rito ang pagsasagawa ng Games 6 at 7 (kung aabot hanggang dito) sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

206

Related posts

Leave a Comment