KAMPEON pa rin sa Asia Rugby Division 1 ang Philippine Volcanoes.
Ito’y matapos talunin ang karibal na Singapore sa finals, noong Sabado ng gabi sa Taipei.
Nagtala ang mga Pinoy ng 29-21 win, matapos ang paulit-ulit na atake ng Singapore.
“It wasn’t the prettiest game, but we showed a lot of heart to get the win,” komento ni Volcanoes captain Danny Matthews sa Philippine Rugby website.
“All credit to Singapore. They were excellent, I can’t say enough how good they were,” dagdag pa niya.
Umabante ang Volcanoes sa finals makaraang talunin ang top-seeded Sri Lanka, 39-22, habang ang Singapore ay tinalo ang host Chinese-Taipei sa semis.
Tinalo na rin ng Pilipinas ang Singapore sa 2018 edition ng torneo, sa larong ginanap sa Calamba, Laguna. (PHOTO BY ASIA RUGBY)
279