SUPORTA, BUHOS SA PH WOMEN VOLLEY TEAM

seagames12

(NI VT ROMANO)

TODO ang suportang ibinubuhos ng Philippine Superliga (PSL) para sa national women’s volleyball team na sasabak sa 30th Southeast Asian Games.

Katunayan, tatayong punong-abala ang PSL sa second leg ng Southeast Asian Grand Prix sa Oktubre 4-6 sa Sta. Rosa, Laguna, kung saan ang koponan mula sa Vietnam at Thailand ang ilan lamang sa mga lalahok.

Ang Philippine team ay kasalukuyang nasa Thailand para sa first leg ng nasabing Grand Prix na lalaruin sa Setyembre 20-22.

Ayon kay Dr. Ian Laurel, pangulo ng PSL, na lahat ng suporta ay ipagkakaloob ng liga upang matiyak ang kahandaan ang national team sa biennial meet.

Katunayan, pinaikli ng PSL ang Invitational Conference nito na magsisimula sa Setyembre 24, bilang bahagi pa rin ng paghahanda sa SEA Games.

“We need to finish the Invitational before November because by that time, focus will be on our country’s hosting of the SEAG Games,” lahad ni Laurel nang maging panauhin kahapon sa PSA Forum sa Amelie Hotel sa Maynila.

“This will be the shortest but sweetest conference for Philippine Superliga,” dagdag naman ni Cignal HD star Rachel Ann Daquis, na dumalo rin sa forum kasama sina PSL administrative director Ariel Paredes, venue director Gino Panganiban, ESPN5’s Diana Garcia at kinatawan ng iba pang koponan.

Sa halip na ang regular na iskedyul na dalawang buwan, ang season-ending Invitational Conference ay tatakbo lamang nang hanggang Oktubre 17, kung saan ang walong koponang kalahok ay hahatiin sa dalawang pools para sa eliminations, na ang top four teams ay magsasagupa sa semis at ang winner ay maglalaban sa one-game championship duel.

Kabilang sa mga koponang kasali sa Invitational Conference ay ang Fignal HD, Foton, PLDT at Sta. Lucia sa Pool A, at ang defending champion at newly-crowned All-Filipino titlist F2 Logistics, Petron, Generika-Ayala at Marinerang Pilipina naman sa Group B.

At bilang tulong pa rin sa Philippine team para sa final tune-up nito sa SEA Games, ang PSL ay magsasagawa ng Super Cup sa Nobyembre 5, 7 at 9, kung saan makikipaglaro ang nationals sa university team mula sa Japan at dalawang selections na binubuo ng PSL players.

Samantala, ang ESPN5 ay ipalalabas ang lahat ng laro ng Invitational Conference tuwing Martes, Huwebes at Sabado, gayundin ang SEA Grand Prix at PSL Super Cup.

131

Related posts

Leave a Comment