PINATAWAN si Calvin Abueva ng Phoenix Pulse ng ‘indefinite suspension’ ng Philippine Basketball Association (PBA) at pinagmulta ng P70,000 sa magkahiwalay na insidente sa ongoing Commissioner’s Cup.
Ang parusa ay isinampal kay Abueva matapos ipatawag ni PBA commissioner Willie Marcial kahapon.
Pinagmulta ang Fuel Masters guard ng P50,000 para sa ‘clothesline’ laban kay TNT KaTropa import Terrence Jones noong Linggo para sa flagrant foul two.
Bukod pa ang P20,000 fine para naman sa verbal altercation at obscene gestures ni Abueva sa fan na girlfriend ni Bobby Ray Parks Jr., na si Mika Rivera noon namang Biyernes kontra Blackwater. (PHOTO BY PBA.PH)
346