TAGUMPAY NG MGA UTAK TALANGKANG PILIPINO

Wala nang isang linggo noong mga nakaraang ilang araw, may pumutok na namang kontrobersiya tungkol naman sa pagdating ng ilang pambansang delegasyong kalahok sa darating na Southest Asian Games na magsisumula na bukas sa mala-higanteng Philippine Arena sa bayan ng Bocaue sa lalawigan ng Buacan

Ito ay matapos ibulgar in Sen, Franklin Drilon ang umano’s anomalya sa pagkakagawa ng Cauldron na nagkakahalaga ng P55 bilyon.

Natural na pinag-piyestahan na naman ng media ang umano’y walang matuluyan ang ilang delegasyon, kabilang ang Cambodia, Thailand, Myanmar at iba pa dahilan para matulog ang mga atleta ng mga ito sa sahig ng otel kung saan sila ay dinala.

May reklamo rin  umano sa walang sasakyang masakyan ang mga delegasyon papunta sa kanilang tirahan, walang mapag-ensayuhan, wala o kulang na pagkain, pagkaing walang sustansya. Nakihalo din ang Philippine women’s fooball team na, ayon sa coach ay pinakain ng kikiam sa sa almusal.

Mga bintang na lumabas makaraan ang ilang araw na “fake news” pala at walang katotohanan at walang basihan.

Sa tutoo lang, para doon sa malimit masama sa biyaheng tulad nito at samakatuwid ay mas nakaaalam ang pangyayaring ganito ay natural na nagaganap. Alalahanin sana na ang mga nagdaratingang panauhin ay bulto kung lumunsa saan man idinaraos ang palarong ganitong kalaki. Hindi isa-isa.

Libo at dagsaan kung dumaing. May dumarating na mas maaga kaysa inaasahan dahil na-advance ang flight.  Myroon namang huli dahil na-delay ang lipad ng sinasakyan. Kung kaya’t sinuman ang tumatao sa reception ay matataranta. Pero pansamantala lamang ito. Ilang oras lamang at maaayos na ang lahat. Tulad ng nangyari nitong linggong ito.

Na nang maayos na ang lahat ay lumabas na ang mga naunang balita ay “fake news” di dapat paniwalaan. O kaya ay palakihin ng media, lalo na ng social media na sa hangad na sirain ang Games  organzers, ang sinra ay ang  buong bansa at ang lahing Pilipino.

Well, nagtagumpay sila. Ngayon laughing stock na tayo  di lamang sa buong SEA kundi sa buong mundo. Napakasama daw pala ng Pilipinas at tayong mga Pilipino. Nabura nang lahat ang naipon nating karangalan sa mga naunang hosting natin ng tuwing ikalawang taong palaro.

At ang masakit, kapuwa nating mga Pilipino ang gumawa nito. Ang mga Pilipinong utak talangka na walang pagmamahal sa bansa at sa lahing Pilipino.

Hindi ko nais pasinungalingan ang mga reklamong inihayag. Maari ngang may naging pagkukulang ang mga taong naatasang gumanap ng kanilang tungkulin bilang miyembro ng PHISGOC. Talagax namang napakarami nilang nahirang na gumanap ng tungkulking dapat mapunta sa mga may nalalaman.

Ang ibig lamang sana naming iparating sa mga kinauukulan ay maghintay silang matapos muna ang palaro bago talakayin ang mga problemang ito  o magimbestiga.

ANG SINIRA NINYO AY ANG ATING BAYAN AT ANG ATIG LAHI. Tigilan na sana ninyo ang inyong kawalang-hiyaan!

70

Related posts

Leave a Comment