THAILAND SADSAD SA PINOY BATTERS

(NI DENNIS IÑIGO)

NALUSUTAN ng Philippine baseball team ang isa sa pinakamalakas na karibal nang pasadsadin ang Thailand, 3-2, sa buwenamanong hatawan sa baseball event ng 30th Southeast Asian Games sa Day 3 sa Field 1 ng Clark Freeport Zone, Pampanga.

Unang nagpadausdos ang Thai batters,  may limang malakas na Thai-American players,  sa ituktok ng unang inning  na sinagot naman ng 3-runs ng Pinoy sa bottom second.

Lumutang ang husay sa mound nina Pinoy pitchers  Francis Geizmundo na pumukol ng  8 innings at  isa naman kay Miguel Salud upang hindi na makaporma ang kalaban,  na nakaisang run lang sa top 8th inning.

“Thailand team has 4-5 Thailand -American players so they are strong. Despite their dangerous lineup we managed to win (3-2),” sinabi ni PH baseball coaching staff Keiji Katayama,  isang Japanese national na nakabase na sa Pilipinas.

“Francis (Geizmundo) and Miguel (Salud) had a good pitch, ” na magandang simula umano sa gold hunt ng Philippine baseball team.

Susunod na makakatunggali ng Pilipinas ang Cambodia, ayon kay PABA secretary- general Pepe Muñoz.

Inaabangan naman ang klasikong hatawan ng isa pang mahigpit na kalaban ng Pilipinas na Indonesia sa Disyembre 6, bago ang baseball finals sa Disyembre 8 sa Field 2 ng Clark Freeport.

135

Related posts

Leave a Comment