T’WOLVES NAMAYANI SA MAVS

SA labanan ng dalawang short-handed teams, namayani ang Minnesota Timberwolves kontra Dallas Mavericks, 111-105, sa pa­ngu­nguna nina Karl-Anthony Towns (24 points) at D’Angelo Rus­sell (22 points), sa ­Minnea­polis.

Wala sa Dallas si star guard Luka Doncic, at may dalawa pang player na ipinasok sa health and safety protocols sa nakalipas na dalawang araw.

Idinagdag naman ng Minnesota si Josh Okogie, habang nauna nang pumasok sa COVID protocol sina Anthony Edwards at Taurean Prince.

Minalas pa ang Mavericks nang mawala sa third quarter si forward Kristaps Porzingis sanhi ng right foot soreness. Umiskor siya ng 13 points at three rebounds.

Nagsumite si Jaylen Nowell ng season-high 16 points off the bench para sa ikaapat na sunod na panalo ng Minnesota.

Nagtala naman si Tim Hardaway Jr. ng 28 points sa Dallas, nagdagdag si Dorian ­Finney-Smith ng 23 at si Jalen Brunson ay may 18 points at11 assists.

Na-outscore ng Mavericks ang Minnesota, 38-30 sa third quarter, nang biglang ma-injure si Porzingis sa huling 4:59 at hindi na bumalik sa laro.

Tatapusin ng dalawang team ang back-to-back meetings sa Martes sa Dallas.

2

Related posts

Leave a Comment