UPAKANG PACQUIAO-BRONER WALANG ATRASAN

pacman200

TULOY ang sagupaan nina Manny Pacquiao at Adrien Broner.

Ito ang pagpapakalma ni Pacquaio sa mga fans matapos pawiin ang pangambang makansela ang laban niya kay Adrien Broner sa Enero 19.

Sa pamamagitan ng kanyang PR man na si Aquilez Zonio, ipinaabot ng Fighting Senator sa fans na walang dapat ikabahala at walang katotohanang hindi matutuloy ang laban.

“The fight is a go. Broner was arrested for another brush with the law but he was able to post bail,” pahayag ni Pacquiao matapos ang kanyang road work sa Pan Pacific Park sa Los Angeles, Huwebes ng umaga.

Lumabas ang espekulasyong hindi matuloy ang 12-round WBA welterweight match sa MGM Grand Garden Arena, kasunod ng balitang pagkakaaresto kay Broner nitong weekend, bunga ng kabiguang sumipot sa korte para sa kanyang mga kaso.

“I believe Broner is professional. He knows what is at stake in this fight. So, I’m not worried about him. He will show up during the fight,” dagdag pa ng 40-anyos na si Pacquiao, na balik-gym training matapos magpahinga noong Miyerkoles.

Si Broner, ayon sa TMZ Sports ay inaresto bago mag-Pasko sa Broward County, Florida.

Siya ay may arrest warrant mula sa kaso noon pang Disyembre 2017 bunga nang

driving without license, speeding, no registration or proof of insurance.

Bukod ditto, kinasuhan rin si Broner ng isang alahero sa New York sa kabiguang bayaran ang mga alashas na nagkakalahaga ng $1.1.52M.

“I believe Broner is a professional. He knows what is at stake in this fight. So, I’m not worried about him. He will show up during the fight,” dagdag pa ng 40-anyos na si Pacquiao, na balik-gym training matapos magpahinga noong Miyerkoles.

Pinalabas rin naman si Broner matapos siyang-ibook at magpiyansa.  (VTROMANO)

165

Related posts

Leave a Comment