ARMAS, ISINUKO NG MGA GARIN

garins

ISINUKO na nina Guimbal Mayor Oscar Garin at anak na si Iloilo 1st District Rep. Richard Garin ang mga armas matapos sampahan ng patung-patong na mga kaso sa pambubugbog sa isang pulis sa Guimbal, Iloilo.

Ang pagsuko sa mga baril ay kasabay ng pagbawi ng Philippine National Police sa permits to carry firearms. Kabilang sa isinuko ng matandang Garin ang 12-gauge shotgun at apat na .45 kalibre habang ang anak nito ay nagsuko ng siyam na rifles at pistols.

Ibinigay ng mag-ama ang kanilang armas sa isa pang kaanak na si Iloilo Vice Governor Christine Garin.

Sa police record, ang mga Garin ay mayroong 19 iba’t ibang klase ng baril na nakarehistro sa kanilang pangalan kung saan walo sa mga ito ay may expired na lisensiya.

Ang mag-ama ay nahaharap sa criminal at administrative charges matapos posasan, tutukan ng baril, sampalin at duraan si PO3 Federico Macaya, Jr. nang mabigong kasuhan ang isang pasaway na teenager.

4

Related posts

Leave a Comment