SOUTH COTABATO – Dead on arrival sa pagamutan ang isang itinuturong spotter at tipster ng Dawlah Islamiyah-Abu Sayyaf terror group, sa bayan ng Polomolok sa lalawigang ito, nang humantong sa engkuwentro ang ikinasang counter-illegal drug operation ng mga awtoridad.
Ayon kay Polomolok PNP deputy chief of police for operations, Capt. Rommel Getalia, kinilala ang suspek na si Rolando Compasion ng Prk. 2, Brgy. Rubber sa bayan ng Polomolok.
Ayon sa ulat, nanlaban umano ang suspek nang matunugan nito na mga pulis ang kanyang katransaksyon kaya napilitan ang raiding team na gumanti naging sanhi ng kamatayan ni Compasion.
Nagawa pang isugod sa ospital ang suspek ngunit idineklarang dead on arrival.
Nakuha sa suspek ang walong sachet ng hinihinalang habu, baril at cellphone.
Nabatid na ang suspek umano ang nagbibigay ng tip sa kanyang mga kasama kung saan nakapwesto ang mga patrol vehicle ng mga pulis at kung saan naka-deploy ang mga awtoridad. (JESSE KABEL)
146
