ST. LUKE’S NAGDEKLARA NA NG FULL CAPACITY

UMAPELA ang pamunuan ng St. Luke’s Medical Center Global City at Quezon City sa mga pasyenteng may COVID-19 na humanap na ng ibang ospital dahil hindi na sila maaring tumanggap.

Ito ay dahil umabot na sa full capacity ang kanilang COVID wards at COVID ICU units.

Base sa abiso ng nasabing ospital noong Sabado, puno na ang kanilang COVID ward at COVID ICU sa parehong branch nila sa Quezon City at Bonifacio Global City sa Taguig City.

Ganito rin ang sitwasyon sa kanilang COVID-19 Emergency Room.

Kaya naman payo nila sa mga nangangailangan ng agarang COVID-related treatment na magpatingin na lang sa ibang ospital.

“We would like to request those who require immediate care to seek COVID-related treatment from other healthcare facilities until our hospitals are able to accommodate COVID cases again,” pahayag ng ospital.

Tiniyak ng ospital na ipababatid nila sa publiko sakaling handa na sila muling tumanggap ng COVID-19 patients.

Nilinaw naman ng St. Luke’s na tumatanggap pa rin sila ng pasyente maliban lang sa may kaugnayan sa COVID-19. (DAVE MEDINA)

115

Related posts

Leave a Comment