STREET PARTIES DAPAT MAY PERMISO NG LGUs

PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang publiko lalo na ang mga nagpaplanong magsagawa ng street party ngayong Kapaskuhan na kailangan muna nilang makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan.

“Number one, makipag-ugnayan po muna sa LGU, okay. So huwag ninyong isipin na, “Okay, puwede ito, puwede,” hindi, hindi po. Makipag-ugnayan muna sa LGU because there will be some LGUs that will have requirements,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Para naman kay DOH Director Dr. Beverly Ho, maaaring magdaos ng street party ngayong Kapaskuhan lalo pa’t alam naman ng lahat na kapag street party ay open air at well-ventilated.

Maaari aniya ang 70% capacity sa mga nasa Alert Level 2 pero kailangan ikonsidera ng organizers ang lawak ng lugar na pagdarausan.
Pagdating naman sa pangangaroling sa bahay-bahay na bahagi ng kultura at nakasanayan ng mga Pilipino, maaari itong gawin ngunit para lang sa mga bakunado at dapat ay naka-face mask.

180

Related posts

Leave a Comment