DALAWANG beses nang tumama sa kalupaan ang Super Typhoon Rolly.
Alas 7:20 kaninang umaga nang mag-landfall ito sa Tiwi, Albay. Ang unang landfall nito ay naitala sa Bato, Catanduanes kaninang 4:50 ng umaga.
Sa inilabas na bulletin ng PAGASA as of 8am, namataan si ST Rolly na kumikilos pa-Kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 225 kph at pagbugsong 310 kph.
Nakikitang tatawid ang bagyo sa Camarines Provinces bago tumbukin ang Marinduque-Southern Quezon area mamayang hapon.
Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal number 5 sa Albay at Camarines Sur.
Inilagay naman sa Signal number 4 ang mga sumusunod na lugar:
Catanduanes
Camarines Norte
Hilagang bahagi ng Sorsogon (Donsol, Pilar, Castilla, Sorsogon City, Prieto Diaz, Gubat, Barcelona, Juban, Casiguran, Magallanes)
Burias Island
Gitna at katimugang bahagi ng Quezon (Real, Mauban, Perez, Alabat, Quezon, Calauag, Tagkawayan, Guinayangan, San Antonio, Tiaong, Dolores, Candelaria, Sariaya, Tayabas City, Sampaloc, Lucban, Lucena City, Pagbilao, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Lopez, Buenavista, San Narciso, San Andres, San Francisco, Mulanay, Catanauan, General Luna, Macalelon, Pitogo)
Gitna at katimugang bahagi ng Rizal (Tanay, Antipolo City, San Mateo, Cainta, Taytay, Binangonan, Teresa, Morong, Cardona, Baras, Jala-Jala, Pililla, Angono)
Batangas
Cavite
Metro Manila
Laguna
Marinduque
Hilagang bahagi ng Romblon (Concepcion, Corcuera, Banton),
Hilagang bahagi ng Occidental Mindoro (Abra de Ilog)
Hilagang bahagi ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Baco, Calapan City, Naujan, Pola, Victoria, Socorro, Pinamalayan).
