Tila mas naging maganda ang takbo ng buwan ng Pebrero kung ikukumpara sa Enero na puno ng hindi kanais-nais na mga pangyayari. Unti-unti ay lumilipas at bumubuti na ang kalagayan ng mga hamong hinaharap natin noong nakaraang buwan.
Ang Taal ay ibinaba na sa Alert Level 2 at sa kasalukuyan ay bumaba na rin sa bilang na 0 ang bilang ng mga taong may COVID-19 sa bansa.
Katangi-tangi ang pagkakaisang ipinamalas ng mga mamamayan ng ating bansa sa pagharap sa mga hamon na ito at natitiyak kong maipamamalas din natin ito sa pagpasok ng tag-init kung saan inaasahang mararamdaman ang epekto ng numinipis na supply ng kuryente sa bansa.
Katangi-tangi ang pagkakaisang ipinamalas ng mga mamamayan ng ating bansa sa pagharap sa mga hamon na ito at natitiyak kong maipamamalas din natin ito sa pagpasok ng tag-init kung saan inaasahang mararamdaman ang epekto ng numinipis na supply ng kuryente sa bansa.
Ayon sa National Electrification Administration (NEA), may posibilidad na maantala ang serbisyo ng kuryente sa bansa sa pagpasok ng tag-init kaya nga inirekomenda ni NEA Administrator Edgardo Masongsong sa mga kooperatiba ng kuryente na paghandaan ang nakaambang problema sa supply gaya nang pagkakaroon ng mga programa na makatutulong sa pagkontrol ng demand nito upang maiwasan ang pansamantalang pagkawala ng serbisyo ng kuryente sa sakop nitong mga lugar.
Hindi naman kailangan mangamba ang mga customer ng Meralco dahil patuloy ang pakikipagtulungan nito sa iba’t ibang miyembro ng industriya ng kuryente ukol sa paghahanda para sa tag-init upang masiguro na sapat ang supply ng kuryente at nang hindi maaantala ang serbisyo nito.
Naniniwala ang Meralco na sapat ang supply nito para sa mga customer dahil sa pagpasok ng mga bagong power supply agreement (PSA) ng mga ito. Nakatulong din ang mga nabanggit na PSA sa pagpapababa ng presyo ng kuryente. Sa katunayan, umabot na sa piso ang halaga nang ibinaba ng presyo ng kuryente ng Meralco sa unang dalawang buwan ng taon.
Anuman ang mangyari, sinisiguro ng Meralco na ito ay handang magbigay ng serbisyo araw-araw anumang oras upang masigurong may serbisyo ng kuryente sa mga kabahayang nasasakupan nito. Sakaling tuluyang numipis ang supply ng kuryente sa grid, ang Meralco ay mayroong Interruptible Load Program (ILP). Sa kasalukuyan, mayroong 592.9 MW na kabuuang sukat ng kuryente na mula sa 138 na kumpanyang kabilang sa programa at patuloy pa itong nadaragdagan.
Hinihikayat din namin ang mga Meralco customer na maging masinop at matalino sa paggamit ng kuryente sa kanilang kabahayan at mga opisina. Magiging malaking tulong ito sa pagkontrol sa demand sa kuryente lalo na sa panahon ng tag-init.
Tiyak na mapapagtagumpayan din natin ang hamong ito kung tayo ay magkakaisa at magtutulungan. Basta’t makasisiguro ang mga konsyumer na ginagawa ng Meralco ang lahat nang makakaya nito upang masigurong tuluy-tuloy ang serbisyo nito ng kuryente lalo na sa panahon ng tag-init.
258 