SUPPLIER NG KUSH TIMBOG SA VALENZUELA

ARESTADO ng mga tauhan ng Northern Police District Drug Enforcement Unit (NPD-DEU) ang umano’y supplier ng high grade marijuana o kush sa buy-bust operation sa Valenzuela City noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni NPD Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang arestadong suspek na si Josaphat Velarde, alyas “Boss”, 29, ng #7 Athens Building, Chateau, Brgy. Lingunan.

Ayon kay Gen. Ylagan, alas-11:20 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng DDEU, sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquitan Jr., ang buy-bust operation sa McArthur Highway, Brgy. Malanday kung saan isang undercover cop ang nakabili sa suspek ng high grade marijuana na nagkakahalaga ng P40,000. (FRANCIS SORIANO)

142

Related posts

Leave a Comment