SURVIVORSHIP BENEFITS SA MGA PROSECUTOR, ISINUSULONG

BILANG pagkilala sa makabuluhang papel sa crimina justice system ng mga prosecutor, isinusulong ni Senador Sonny Angara ang pagbibigay ng survivorship benefits sa mga miyembro ng National Prosecution Service (NPS).

Pinansin ni Angara, na isa ring abogado na walang natatanggap na survivorship benefits ang mga retired prosecutor hindi katulad ng kanilang counterparts sa Ombudsman o sa judiciary kahit pareho naman ang kanilang trabaho.

“Prosecutors are saddled with heavy caseloads and on top of this they face constant risks to life because of the nature of their work. The grant of survivorship benefits to the members of the NPS is but a small gesture of our appreciation of the work that they are doing in the service of the country,” saad ni Angara.

Sa kanyang Senate Bill 1865, sinabi ni Angara na dapat kilalanin din ng estado ang sakripisyo ng NPS prosecutors na isinusugal din ang kanilang kaligtasan para sa hustisya.

Alinsunod sa panukala, kapag namatay ang isang prosecutor, matatanggap ng asawa at mga anak nito ang kanyang retirement benefits.

Saklaw ng panukala ang mga legitimate at illegitimate child gayundin ang adopted children na hindi pa umaabot sa 21-anyos, wala pang asawa at walang sariling trabaho.

Kung wala namang asawa o anak ang prosecutor, mapupunta ang benepisyo sa kanyang mga magulang.

May retroactive application naman ang panukala kung saan maaaring saklawin ang mga miyembro ng NPS na namatay isang taon bago maging epektibo ang batas.

“With this bill we want to send a clear message that the State takes care of its own especially those who have sacrificed so much to serve its people,” saad pa ni Angara. (DANG SAMSON-GARCIA)

263

Related posts

Leave a Comment