UMABOT sa labing pitong volcanic earthquake ang naitala sa Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras.
Nananatili sa alert level 3 ang nasabing bulkan bunsod ng tuloy-tuloy nitong aktibidad.
Ayon sa Phivolcs, patuloy na nagbubuga ng mataas na volcanic sulfur dioxide na nasa average na 3, 755 tons kada araw ang Bulkang Taal.
Umaabot naman hanggang 1,800 meters ang puting usok na lumalabas mula sa mismong bunganga nito.
Mahigpit na binabantayan ang paligid ng Taal Volcano island na itinuturing na permanent danger zone gayundin ang mga high risk barangay sa munisipalidad ng Agoncillo at Laurel. (CYRILL QUILO)
