‘NEXT SPEAKER DAPAT WALANG MATAAS NA POLITICAL AMBITION’

congress

(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG maisulong umano ang mga legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa natitirang tatlong taon ng kanyang administrasyon, kailangang walang mataas na political ambition ang susunod na House Speaker. Ito ang iginiit ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco dahil ngayon pa lamang ay pinag-usapan na ang ipapalit kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa 18th Congress. Matatapos ang termino ni Arroyo bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga  sa Hunyo 30, 2019 kaya out na ito at hindi na kasali sa pagpipilian bilang Speaker sa 18th Congress na magsisimula…

Read More

PRANGKISA NG MANILA WATER MALABONG MABAWI

manila water

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI manganganib ang prangkisa ng Manila Water kahit lumabag ito sa concession agreement dahil extended na ang kanilang lisensya hanggang 2037 sa Kongreso noong Pangulo pa si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Ayon kay Bayan Muna chair Neri Colmenares, malabo ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang concession agreement ng Manila Water dahil na-extend na ang kasunduan, 10 taon na ang nakakaraan. Ang concession agreement ng Manila Water at Maynilad ay pinirmahan noong 1997 at mae-expire ito sa 2022 o tatlong taon mula ngayon subalit…

Read More

LIDERATO NG KAMARA CLOSED BOOK NA KAY DIOKNO?

diokno100

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI  na interesado ang liderato ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na ituloy ang imbestigasyon laban kay dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary at ngayo’y Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Benjamin Diokno. Sa press briefing Miyerkoles ng hapon, sinabi ni House appropriation committee chairman Rolando Andaya Jr., wala rin itong masabi sa appointment ni Diokno sa BSP kundi “…just another day in office”. Ang kongresista ang pasimuno sa imbestigasyon kay Diokno ukol sa P75 Billion na isiningit nito sa 2019 national budget, pagpapabidding ng…

Read More

NAGPAPAUPA SA MGA DRUG SYNDICATE PARURUSAHAN

droga

(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG mapatatag pa ang kampanya laban sa ilegal na droga, pananagutin na ang mga may-ari ng mga bahay, gusali at iba pang ari-arian na inuupahan ng mga sindikato ng ilegal na droga. Ngayong linggo ay inaasahan ng ipasa sa ikatlo at huling panukalang ito na inaasahang magpapalakas sa kampanya kontra ilegal na droga sa bansa dahil tututukan na ang mga nagpapaupa sa mga sindikato ng droga. Mismong si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang naghain sa House Bill  8909, para amyendahan ang Republic Act No. 9165, o“Comprehensive Dangerous Drugs Act of…

Read More

GMA: ‘PEKE ANG ‘CONFIDENTIAL LETTER’ KO PABOR SA MORE ELECTRIC AND POWER CORP.’

SGMA

(Ni BERNARD TAGUINOD) WALANG umanong nalalaman si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na nagbigay siya ng “confidential letter” sa isang kongresista para makipag-ayos kay Senadora Grace Poe ukol sa pagpasa ng prangkisa ng More Electric and Power Corporation. Ang ginawa ni Arroyo ay nanawagan sa Philipine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) upang alamin kung sino ang gumawa ng aniya’y pekeng sulat kay Palawan Rep. France Alvarez. Si Alvarez ang chairman ng House Committee on Legislative Franchises. Ang laman umano ng liham ni Arroyo ay ‘hiniling’ niya kay…

Read More

TAMA NA ANG POLISYA, AKSYON NA – GMA

(Ni BERNARD TAGUINOD) Panahon na para mapakinabangan ng mamamayan ang mga batas na ginawa ng Kongreso na sumuporta sa mga polisyang inilatag ng administrasyon lalo na’t paubos na ang oras ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang iginiit ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa pakikipagkuwentuhan sa mga mama-mahayag dahil hanggang ngayon ay hindi pa ramdam ng mamamayan ang bunga ng mga batas na ginawa umano ng Kongreso at maging ang mga inilatag na economic policy ng adminitrasyon para matulungan ang taumbayan. “During the first 2-1/2 years of President Duterte’s term,…

Read More