DEDMA lang ang Malakanyang sa banta ng Taiwan na babawiin nito ang visa free entry sa mga Pinoy dahil sa travel ban na ipinataw ng gobyerno. Ang katwiran ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ay ordinaryo lamang ang visa at madali lang naman kumuha nito. Ang prayoridad aniya kasi ng Pangulo sa ngayon ay ang kapakanan ng kalusugan at kaligtasan ng mga Filipino. “Alam mo, ang sabi ni Presidente, maselan ang problema ng kalusugan ng ating mga kababayan, iyon ang kanyang primary consideration – iyong safety, kaya nagkaroon ng travel ban. Sinasabi niya, bigyan ninyo ako…
Read MoreTag: ban
BAN SA SINGLE-USE PLASTIC IUUTOS NA NG DENR
MAGPAPALABAS ng kautusan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pag-ban sa single-use plastic sa bansa. Sa isang forum sa Taguig City nitong Huwebes, sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na sa loob ng dalawang linggo ay ilalabas niya ang kautusan. Kasama rin ang pagre-recyle sa plastic sa ipag-uutos ang pagrecycle ng plastic. “We [DENR] are about to complete department order on [banning] use of plastic. I think within the next two weeks siguro [probably],” ani Cimatu. Ang kautusan ng DENR ay kasunod ng pagiging pangatlo ng bansa…
Read MorePAGGAMIT NG VAPE, E-CIGARETTE IPAGBABAWAL NI DU30
NAGBANTA si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbabawal ang paggamit ng vape o e-cigarettes sa publiko gayundin ang importasyon nito. “I will ban it. I will ban it, the use and importation,” sabi ni Duterte. “You know why? Because it is toxic, and government has the power to issue measures to protect public health and public interest,” dagdag pa nito. Aarestuhin din umano ang mga lalabag sa kautusan. “Better stop it because I will order your arrest if you do it in a room. I am now ordering the law-enforcement agencies…
Read MoreSOLON: VAPE, E-CIGAR, I-BAN
(NI DANG SAMSON-GARCIA) SA HALIP na dagdagan ang buwis, mas nararapat na i-ban o ipagbawal sa Pilipinas ang paggamit ng vape o ecigarette lalo na sa kabataan dahil sa masamang dulot nito sa kalusugan. Ito ang binigyang-diin ni Senador Francis ‘Tol’ Tolentino kasabay ng paalala na maghinay-hinay ang Kongreso sa pag-aapruba ng panukala upang taasan ang buwis sa vape at e-cigar. “Meron panukala na dagdagan ang buwis, pero ang sinasabi ko diyan eh wala naman tayo regulasyon pa na pinapayagan yan sa Pilipinas. So paano natin bubuwisan kung hindi pa…
Read More2 US SENATORS, I-BAN DIN SA PINAS — GO
(NI DANG SAMSON-GARCIA) IPINABA-BAN din sa Pilipinas ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang dalawang senador ng Estados Unidos na nagsulong ng resolusyon na ipagbawal ang mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa sinasabing ‘politically-motivated imprisonment’ ni Senador Leila de Lima. “Yang dalawang senador na ‘yan nakakaloko kayo. Wag kayo makialam dito. Mind you own business. Respetuhin n’yo ang aming judicial system,” saad ni Go. Nanindigan ang senador na nasunod ang proseso ng batas sa kasong droga ni de Lima. “Ako may tiwala ako sa ating judiciary. Yung kaso po…
Read MorePAG-BAN SA GOV’T SPENDING TUWING ELECTION TIME KINONTRA
(NI ABBY MENDOZA) SA katwirang maraming proyekto ng gobyerno ang naantala tuwing panahon ng eleksyon, isinusulong ni Ako Bicol Party-list Rep Alfredo Garbin Jr. na ire-evaluate ang ipinatutupad na ban. Paliwanag ni Garbin tapos naman nang sumailalim sa proseso at kadalasan ay nailalatag na ang proyekto subalit inaabutan ng election ban kaya hindi agad naipatutupad. Kadalasan umano ay inilalabas ng Department of Budget and Management ang pondo sa first quarter ng taon para maipatupad sa second quarter subalit sa ganitong panahon nag-uumpisa ang spending ban. Naniniwala ang mambabatas na ang…
Read More