DAANG TONELADANG BASURA HINAKOT SA DIVISORIA

basura

(NI MITZI YU) TONE-TONELADANG basura ang hinakot ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa ginawang   clean up drive sa Divisoria kaninang umaga matapos ang selebrasyon ng Bagong Taon. Ayon kay Task Force Clean Up chief, Che Borromeo, sinimulan ang paglilinis at paghahakot ng basura mula alas-4 ng madaling-araw hanggang tanghali. Umaabot sa 35 truck ng basura ang nahakot na bawat trak ay naglalaman ng  tinatayang pitong tonelada o mahigit na 300 tonelada. Ani Borromeo, hindi na pumalag ang mga vendor nang paalisin sila sa mga puwesto, at simula aniya  ngayong Enero…

Read More

7K TONELADANG BASURA IBABALIK SA SOKOR

SOKOR

IBABALIK na sa South Korea ang imported waste materials ng Verde Soko Philippines Industrial Corporation na nakalusot sa Misamis Oriental. Sa Enero 9, 2019 ang napagkasunduan ng bansa at South Korea na ibalik ang halos pitong libong tonelada ng mga basura na nakaabot sa bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental, ayon kay Mindanao International Container Terminal (MICT) collector John Simon. Aabot umano sa P11-milyon ang gugugulin ng South Korean government para maibalik sa kanilang lugar ang mga basura na naipuslit sa bansa noong Oktubre 2018. Sinimulan na rin ang paghahanap ng…

Read More

LUNETA GINAWANG DUMPSITE

luneta

(NI SAMANTHA MENDOZA) NAG-IWAN ng sangkatutak na basura ang may 15,000 katao na nag-Pasko sa Rizal Park, hanggang kahapon ng madaling araw. Mag-alas 6:00 ng umaga nang tumambad sa mga sweeper ng MMDA at National Parks Development Committee (NPDC), ang napakaraming kalat sa iba’t ibang bahagi ng Rizal Park. Pawang mga pinagkainan tulad ng bote ng mineral water, soft drinks, plastic cups, paper plates, styrofoam  at iba pang mga basura na iniwan na lamang sa may damuhan  at sa paligid mismo ng monumento ni Dr .Jose Rizal. Ito umano ay…

Read More