RIZAL REP. NOGRALES BILL SINUPORTAHAN SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD) APRUBADO na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang resolusyon  na naggagarantiya na gagawa ang mga mambabatas na mga batas para makamit ng Pilipinas ang Sustainable Development Goals (SDGs)  pagdating ng taong 2030. Walang tumutol nang ipasa sa ikalawang pagbasa ang House Resolution (HR) 565 para suportahan ang House Bill (HB) 398 na iniakda nina Rizal Rep. Juan Fidel Nograls, Kabataan party-list Rep. Sarah Elago at Buhay party-list Rep. Lito Atienza. “National legislation and support from all sectors are needed to achieve the targets and indicators of each of…

Read More

TUTULONG SA 250-K BATANG LANSANGAN BIBIGYAN NG INSENTIBO 

(NI BERNARD TAGUINOD) UMAABOT na sa 250,000 ang bilang umano ng mga batang lansangan sa buong bansa na pakalat kalat sa mga kalsada. Ito ang nagtulak kay Batangas Rep. Vilma Santos-Recto  para ihain ang House Bill (HB) 4363 o ‘Street Children Act’ upang matulungan umano ng gobyerno ang mga batang ito. Ayon sa mambabatas, kung ang Council for the Welfare of Children (CWC) ang pagbabasehan, umaabot sa 250,000 ang streetchildren sa Pilipinas ngayon subalit may kutob ito na posibleng mas marami  pa sila sa kasalukuyan. Tungkulin ng gobyerno na proteksyunan ang mga…

Read More

NO HOMEWORK BILL SA MGA ESTUDYANTE NAIS ISABATAS

(NI ABBY MENDOZA) ISINUSULONG ng dalawang mambabatas ang pagkakaroon ng quality time ng mga estudyante sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagbabawal na sa pagbigay ng assignment sa mga estudyante. Sa oras na maisabatas, ang mga guro na magbibigay ng assignment sa kanilang mga estudyante kapag weekends ay mapapatawan ng P50,000 multa at hanggang dalawang  taong pagkakakulong. Inihain sa Kamara ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang House Bill 3883 na ipagbawal na ang pagbibigay ng homework kapag weekend. Layon ng panukala ni Vargas na mabigyan ng kalidad na oras…

Read More

P750 NATIONAL MINIMUM WAGE BILL INAAMAG SA KAMARA

wagebill12

(NI BERNARD TAGUINOD) INAAMAG sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas para itaas sa P750 ang minimum wage, hindi lamang sa Metro Manila, kundi sa buong bansa dahil hindi ito pinansin ng liderato ng Kongreso. Ito ang napag-alaman kay Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao dahil mula nang ihain ang kanilang House Bill 7787 o P750 National Minimum Wage noong Mayo 30, 2018 ay hindi nagkaroon ng kahit isang pagdinig sa House committee on labor. “Wala kahit isa (hearing). Ang status ay na-endorse na sa committee on labor pa rin…

Read More

SINGIL NG MERALCO POSIBLENG TUMAAS

meralco8

Ni FRANCIS SORIANO DAHIL sa pagnipis ng supply ng kuryente sa epekto ng El Niño, nagbabala ang Manila Electric Company (Meralco) na posibleng tumaas ang singil sa kuryente dahil nagkakaroon ng pressure sa spot market tuwing numinipis ang supply nito. Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, muling isasailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa yellow alert ang Luzon Grid na nagdulot ng pagnipis sa electric supply ng rehiyon mula alas-10:00 hanggang alas-11:00 Martes ng umaga. Mararanasan din umano ito ng ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon. Gayunman, nauna…

Read More

UNIVERSAL HEALTH BILL PIRMADO NA SA KAMARA

health bill

(NI CESAR BARQUILLA) PINIRMAHAN na ni dating pangulo at ngayon ay Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang Universal Health bill na naglalayong masiguro na ang lahat ng Filipino ay mabibigyan ng patas na access sa de kalidad at abot kayang health care services at maprotektahan mula sa financial risk. Matapos malagdaan noong Lunes, ibinalik na ang panukala sa Senado na ipadadala naman sa Malacañang para sa lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte. Una nang nilagdaan  ni Senate President Tito Sotto ang naturang panukala. Sinabi ni Arroyo, ipinagmamalaki niya ang panukala dahil mangangahulugan ito…

Read More